STEVEN POV Malakas niyang isinara ang pintuan ng kanyang sasakyan at dumiretso sa loob ng bahay. Wala siyang pakialam kung masira pa iyon. Gagawin niya kung ano ang gusto niyang sirain. Anong silbi ng pera kung hindi gagamitin? Hindi naman madadala sa langit ang pera. Nagtataka namang napatingin sa kanya ang dalawang maid at pati ang Personal driver niya. Ngumiwi na lang nang makita siya at kaagad na umiwas ang mga ito sa daan. Alam ng mga nasa bahay, kapag wala siya sa mood ay iiwas na ang mga ito. Para walang gulong magaganap kapag kaharap siya. Kumuyom ang kanyang kamao ng naisip niya ang kaibigan niyang si Marcello. Kinakalaban talaga siya ng hinayupak na iyon. Hindi niya talaga akalain, ang babaeng ina ng kanyang anak, at ang babaeng mahal ni Marcello ay iisa. Kung p

