STEVEN POV Mahinang natawa silang dalawa ni Stein, nang makitang nakangangang natulog si Beatrix at humihilik pa. Hindi niya akalain na may ganito pa lang side ang babaeng mahal niya. Nakatigilid ito paharap sa kanya kaya kitang-kita niya talaga ang ngala-ngala nito. Pauwi na sila ngayon, patungo sa bahay na pinapatayo niya. Sabi nga niya sa sarili na magbagong-buhay at sisimulan na niya iyon ngayon. He already proposed to his woman who was sleeping beside him and now they are already engaged. Sinong mag-aakalang ang isang iresponsableng ama at masamang ama noon ay bigla na lang nagbago? Lahat ng mga tao pwedeng magbago kahit masama ka man o hindi. Kung may kasalanan ka, you should say to sorry to the one you hurt. Hindi pa huli ang lahat, itama mo ang pagkakamali mo sa buhay. I

