Krystal's POV "Sino kayo para gumawa ng eksena sa kompanya ko!" malakas na sigaw ni Miggy na napahampas pa sa lamesa. "You make a scene inside my company! You did what we, Monticlaro, hated the most!" gigil pa din na saad n'ya. Matapos kasi ang nangyari sa lobby, agad kaming pumunta ng conference room katulad ng inutos ni Miggy. Katabi ko si Harold sa kanan at si Theo naman sa kaliwa. Nasa harap ko ngayon ang dalawang ina ko na kahit kailan ay hindi ako itinuturing na anak, kun'di patabaing baboy lamang. Kami na lang din nila Theo ang nandito, dahil sumakit ang tiyan ni Kim kaya naman dinala sa ospital para mag pacheck up. "Sir, nandito po sila Officer Vasquez," Agaw ng atensyon ni Ate Caith kay Miggy pero hindi ito sumagot kaya si Nicole na ang tumingin dito. "Let them in, Ate." T

