Chapter 19: Escape

1163 Words

SCARLET'S POV Maingat akong bumangon nang magising ako mula sa mahimbing na pagtulog. Napatingin ako sa suot ko at itinali ang mahabang buhok ko dahil sa sobrang init. Pinagpapawisan ako at alam kong epekto iyon ng gamot na ininom ko kanina. Hinipo ko ang gilid ng leeg at noo. Napangiti ako nang maramdamang hindi na ko mainit tulad ng kanina. Gusto kong pasalamatan ulit si Kyrous pero baka mas lalo siyang magalit sa akin. Napatingin ako sa salaming bintana. Kahit may nakaharang doon na kulay abong kurtina ay kita ko pa rin ang itim na kalangitan mula roon. Gabi na pala. Bumangon ako at sumilip sa pinto. Nang maramdamang walang tao ay maingat akong bumaba sa hagdan. "Kyrous?" tawag ko sa may ari ng bahay. Lumabas ako nang walang sumagot sa akin. Napaawang ang labi ko nang makita ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD