SCARLET'S POV Tumango lang ako at inayos ang buhok. "Scarlet, may masakit ba sa 'yo?" rinig kong tanong ni Lyn kaya napatingin ako sa kanya. "Puson at ulo. Malapit na yata akong magkaroon," paliwanag ko sa kaibigan. "I already checked the two answers and one of them got the almost perfect score while the other got two mistake." Napalunok ako nang tignan ako ni Kyrous. "Miss Scarlet Agape got forty nine while Miss Anastacia Cleverio got forty eight." Napaawang ang labi ko at napatingin sa mga kaklase nang pumalakpak sila. "Therefore, Ms. Agape doesn't really cheated. And for you, Ms. Cleverio, I hope it's clear that Ms. Agape really studied." Napabuntong hininga ako at muling inihiga ang ulo sa desk. Ang dali naman palang talununin ng mga matatalino. Basta maparaan ka lang.

