SCARLET'S POV Gaya ng sinabi ni Kyrous ay mag-aaral akong lumangoy ngayon. Pero bumili muna kami sa Mall ng mga gagamitin ko gaya ng swimsuit, kickboard, sunblock at sunscreen. Ibinigay sa akin ni ate ang mga gamit na pinamili at umakyat ako sa kwarto ko. Nang makapili ng isusuot ay nagbihis na ako ng white floral swimsuit. Spaghetti strap ang top at mini skirt naman sa pang-ibaba. Pinahiran ko ang katawan ng sunblock para hindi umitim ang balat ko. Medyo maaraw na kasi sa labas. Kinunan ko muna ng litrato ang sarili ko sa mataas na salamin bago bumaba at nagtungo sa pool area ni Kyrous. "You're really a goddess, love," iyon ang bumungad sa akin. Nasa pool sina Kyrous at Ate Serenity at naghaharutan na naman sila. Napanguso ako at umupo sa isang lounge na nasa gilid ng pool. May bea

