SCARLET'S POV Buong linggo akong nagswimming para mas ma-ensayo ang katawan ko sa paglangoy. Ginawa ko ang lahat ng itinuro ni Kyrous hanggang sa makontrol ko na ang sarili habang nasa pool. "Ma, sama na lang ako sa inyo. Anong gagawin ko rito kung wala naman kayong lahat?" naiiyak na pakiusap ko sa ina dahil kailangan na nilang magtrabaho lahat. At ako, maiiwan na naman na mag-isa! 'Di na lang sana ako sumama para makasama ko 'yong tropa ko. "'Wag na! Magiging pabigat ka lang, Scarlet! Lumangoy ka na lang maghapon hanggang sa malunod ka," iritadong sambit na mama bago sumakay sa kotse ni Kyrous. "Ma, 'wag mo namang pagsalitaan ng gan'yan si Scarlet!" puna sa kanya ni ate. "Pasensya na, anak. Pinapasakit kasi ng kapatid mo ang ulo ko," mahinahong sagot ni mama sa kanya. Ramdam ko

