SCARLET'S POV "'Di, ah!" pagtanggi ko. "Nakalimutan ko lang alisin 'yon!" "Saka ba't ako mandadaya? Alam ko kaya 'yong mga sagot! Ginugulo mo lang kasi ako sa pagbibilang mo," pag-tatanggol ko pa sa sarili. Huli na nang mapagtanto kong mas nagmumukha akong guilty. "Hmm, talaga?" mapanlarong tanong niya. "Ulitin mo nga? 'Di na kita oorasan." Nabuhayan ang loob ko dahil sa hamon niya. Dahil doon ay umayos ako ng tayo at tinignan siya. "Game na?" tanong ko. "Uhm!" Tumango siya bago muling pumindot. Kumunot ang noo ko at napatigin sa orasang nasa mesa niya, umaandar na iyon! "Akala ko ba 'di—" Napahinto ako nang hawakan ni Kyrous ang mukha ko at pwersahan akong pinaharap sa kanya kaya napatitig ako sa mga mata niya. "Huli na 'to, Scarlet. Dito ka lang tumingin sa akin para 'di ka k

