SCARLET'S POV Nagpatuloy ang mga araw at palagi na naman kaming magkasama ni Kyrous. Akala ko ay huli na iyong dati, pero, hindi pa pala. Masaya ako dahil doon pero hindi ko maiwasang mag-alala dahil tatlong beses na niya akong nahuling dumuduwal. Minsan kasi ay hindi ko mapigilang masuka na lang bigla. Nauubusan na rin ako ng palusot, buti na lang ay naniniwala siya. "Scatlet, are you really fine? You look pale." Ngumiti ako kay Lyn at tumango. "Oo, medyo nahihilo lang," sagot ko at umupo sa tabi niya. Bumalik na ang pwesto ko sa harapan. Inutos kasi ni Kyrous na dating ayos ang mga upuan at naging alphabetical ang pwesto namin. Susunod dapat si Zhai sa akin pero nakipagpalit siya kay Lyn. Galit pa kasi ito sa akin. Nagsimula na ang klase. Mas lalo akong nahilo habang nakikinig. Hin

