SCARLET'S POV Bumalik ako sa Main Building at tumambay sa Foyer. Prente akong nakaupo habang naka-dekwatro nang mabasa sa phone ang text message ni Kyrous. Kyrous: Go to my car now. We're leaving. Gumuhit ang ngiti sa labi ko at agad na tumayo para puntahan si Kyrous. Nang makapasok sa kotse niya ay mas lumawak ang ngiti ko. "Kyrous, perfect ako sa quiz!" "I know. I saw your record," he uttered before he started driving. "So, magsa-shopping tayong dalawa, ah?" 'di pa rin natinag ang pagiging masigla ko. "Okay." Napanguso ako dahil sa maikling pagsagot niya. "Ba't ang sungit mo?" reklamo ko at pinagkrus ang braso sa ibaba ng dibdib. "Dahil may kasalanan ka sa akin." Kunot-noo akong napaharap sa kanya. "Ano naman?! Wala naman akong ginagawang masama!" Mas humaba ang nguso ko.

