Chapter 08: Sayaw

1400 Words
SCARLET'S POV Tinakbo ko ang kwarto nila ate at natigilan ako nang makita si Kyrous na nag-aayos ng higaan nila. Wala itong suot pang-itaas kaya kitang-kita ko ang matipunong likod at matitigas na braso niya. Nang lumingon si Kyrous sa akin ay ngumiti ako. "Kuya, pwedeng pahiram 'yong phone ni ate?" "Sure!" He took my sister's phone beside their bed and handed it to me. "Thank you!" Sinadya kong hawakan ang kamay niya nang abutin iyon sa akin kaya malawak ang ngiti ko nang bumaba. "Ate, ipaalam mo naman ako kay mama mamaya," pangungumbinsi ko sa kapatid nang balikan ko siya sa kusina. "Para ba sa pag-film niyo?" tanong nito. Tumango ako at sinimulang i-log in ang account sa Face Book app ni ate. "Oo." "Wala si mama mamaya kaya papuntahin mo na lang ang mga kaibigan mo rito." Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Talaga? 'Wag mo na lang pala akong isumbong!" "Hindi p'wede, Scarlet. Tigilan mo 'yan! 'Di ba, magpapakabait ka na?" Napanguso ako at napayuko. "Sige na, 'te. Pangit ang background dito e. Please? Payagan mo na 'ko!" pangungulit ko sa kanya bago ni-chat ang mga kaibigan. Zhai: Scarlet, buti nag-open ka na! Danna: Scarlet! Na-miss kita! Nawalan ka na ng oras sa online world, ah? Kate: Gan'on ba kagwapo 'yang boyfriend ng ate mo kaya 'di ka na nag-online, Scar? Scarlet: Hindi naman sa gan'on. Grounded ako. Kinuha ni mama ang lahat ng gadget ko. Danna: Kaya pala. Bakit daw? Scarlet: Dahil sa pesteng grades. Nagalit pa siya dahil pumunta rito si Calvin n'on. Nakakainis! Zhai: E 'di sumipsip ka para makuha ulit! Kulang ka na naman sa diskarte, Scarlet! Kate: True! Kate: Mga gaga, 'yong sayaw natin memorize niyo na ba? Dapat perfect na mamaya kasi ang tagal nang naghintay ng mga viewers natin! Danna: Yup! Naghahanap na ako ng isusuot. Scarlet: Hoy! Hindi ko pa alam kung anong sasayawin natin mamaya! Wala pa akong practice! Zhai: Backread, Scarlet. Scarlet: Tinatamad ako. Send niyo nalang ulit 'yong link para ma-practice ko na. Danna: Danna sent a You Tube link. Click here to open. Danna: Gayahin mo 'yong part ni Jennie. 'Yong may blond sa buhok. Danna: Anything black and white ang isusuot, Scarlet. Scarlet: Thank you, Dan! Mabilis kong binuksan ang link na binigay ni Danna at tumayo na para magsimulang aralin iyon. "Oh sorry!" Nasapo ko ang noo kong nauntog sa matigas na dibdib ni Kyrous nang magsalubong kami. Nakayuko kasi ako kaya hindi ko siya nakita. "Sorry rin po, kuya," nahihiyang sambit ko at nag-amba nang umalis sa kusina nang tawagin ako ni ate. "Scarlet, umupo ka at kumain muna tayo." "Ate, mamayang three na ako aalis. Kailangan ko nang aralin 'to!" "What are you going to learn, Scarlet?" Kyrous asked as he seated beside Ate Serenity's chair. "Sayaw po." "You can do that, later. Eat first." Tumango na lang ako at umupo sa tapat ni Kyrous. Inilapag ko ang phone sa lamesa at tinanggap ang pagkaing inilapit ni Ate Serenity sa akin. "Siguraduhin mong sayaw lang ang gagawin mo mamaya, Scarlet ah?" Napahinto ako sa pag-ihip ng sabay at hinarap si Ate. "Oo naman! Tignan mo, mapapanood mo agad 'yon sa f*******: o YouTube mamaya." "You're a YouTuber?" Ngumisi ako at umiling sa tanong ni Kyrous. "Si Kate lang, Kuya Kyrous. Pero sinasama niya kami ng mga kaibigan ko sa channel niya. Nagco-cover kami ng mga sayaw!" magiliw na pagkikwento ko. "Akala ko sa Face Book lang, Scarlet. Wala kang nabanggit sa akin na gan'yan," nagtatampong saad ni ate. "Nitong buwan lang naman, ate. Saka kumikita kami kapag madaming views 'yong sayaw namin. Baka kapag sinabi ko sa inyo, magagalit si mama at pagbibintangan niyo na naman akong gumagawa ng masama kaya nagkakapera," mapait na paliwanag ko. "Hindi naman ako gan'on, Scarlet. May tiwala naman ako sa 'yo. 'Di bale, papanoorin ko ang mga sayaw niyo para kumita kayo." Napangiti ako sa sinabi ni ate. Aalukin ko rin sana si Kuya Kyrous pero nagsalita siya agad. "What is your friend's account, Scarlet? I want to watch your dance cover videos too." Kinuha ko ang iniabot na phone ni Kyrous sa akin at hinanap ang pangalan ni Kate bago iyon inabot sa kanya. "Subscribe mo siya, Kuya Kyrous. Ikaw rin ate!" hiling ko sa dalawa. Matapos kumain ay pinagtulungan nina Ate Serenity at Kyrous ang pag-aayos at paghuhugas ng mga pinagkainan namin. Samantalang ako ay nagtungo sa balcony para mag-aral ng bagong sayaw. Mainit kasi sa kwarto ko. Sinuot ko ang earpods sa magkabilang tenga bago sinimulang gagayahing sayaw habang pinapanood ito. "Ha! How you like that?" sinabayan ko ang liriko nang maalala ito dahil paulit-ulit ko nang pinapatugtog. Mula sa may pinapanood na pag-eensayo ay tanging tugtog nalang ang ginawa ko para mas mabilis na makabisado ang steps. "Ate! Tignan mo nga kung tama!" Hiningi ko ang tulong ng dalawa. Umupo sila sa bench na 'di kalayuan at tumingin sa akin. Napalunok ako nang magtama ang mga mata namin ni Kyrous na ngayon ay hawak ang phone at nakatapat iyon sa akin. Bigla akong kinabahan at nahiya. "Are you ready?" he asked while his eyebrow rose a bit. "Opo! Game," sagot ko at iniluhod ang isang tuhod sa sahig dahil iyon ang simula. Nang magsimulang tumunog ang musika mula sa speaker na hawak ni Ate Serenity ay sumayaw na ako. No'ng una ay seryoso ako pero nang dumating sa chorus ay sinabayan ko pa ang kanta habang ganadong sumasayaw. Hindi ko tinignan ang reaksyon ng dalawa, bagkus ay nakatingin ako sa repleksyon ko sa salaming bintana namin. Nang matapos ay ngumiti ako at napatingin sa pwesto nina ate nang pumalakpak sila. "Ang galing, Scarlet! Wala ka pa atang isang oras nag-practice pero nakabisado mo na agad," magiliw na puri ni Ate. "Sayaw lang naman kasi ang kaya kong ikabisado agad, ate. 'Yong mga lesson namin, hindi!" natatawang sagot ko bago lumapit sa kanila at tumingin sa phone ni kuya Kyrous nang iabot niya iyon sa akin. "You can watch yourself. You're a good dancer, Scarlet! I didn't expect that," he exclaimed while amusement is visible in his eyes. "Salamat po," sagot ko at nag-indian seat sa sahig bago sinimulang panoorin ang kuha ni Kyrous. I scanned myself while looking at the mirror. I'm wearing a black crop top hoodie and high-waisted mini skirt. I curled the bottom part of my hair and putted two diamond hairclips on the left corner to add accessories. On my feet, I wore that white sneakers that we bought yesterday. And for my face, I just applied a light make up. And viola! I'm ready to go! Makulimlim na ang panahon nang lumalabas ako ng bahay. "Scarlet, bumalik ka agad, ah? Unahan mo si mama kun'di lagot ka," paalala ni ate at inabutan ako ng payong. "Duh? Ate, ang cool ng suot ko tapos bibigyan mo ako niyan?" "Baka maabutan ka ng ulan, Scarlet," rason niya. Umiling ako at hinawi ang buhok patalikod. "'Wag na, Ate. May hoodie naman 'tong suot ko, 'di na 'yan kailangan," sagot ko bago nagpaalam para pumunta sa lugar kung saan kami magfi-film ng pabibagong video. "One two three, go!" wika ng cameraman naming si Lex at nang matapos ang bilang niya ay tumugtog na ang kanta kaya nagsimula na rin kaming sumayaw nina Zhai, Kate at Danna. Nasa kalagitnaan na kami ng kanta nang biglang pumatak ang ulan. Narito kami sa rooftop kaya naman walang bubong. Nagkatinginan kaming apat na nagkaibigan at napatigil. "Tuloy niyo lang, girls! Ang ganda ng effect ng ulan!" ani Lex at inulit ang parte ng kanta kung saan kami tumigil. Tumawa kaming magkakaibigan at mas ginanahan sa pagsayaw habang umuulan. Nang parteng kailangang umupo sa tiles ay nagtampisaw pa kami sa tubig habang sumasayaw. Tuwang-tuwa kami nang matapos. Napatingin kami sa mga nanonood sa aming kapatid ni Kate nang tumili ang mga ito. Napaawang ang labi ko nang makita si Kyrous na may hawak na puting payong at tumapat siya sa akin nang makalapit ito. Using his free left hand, he putted some strands of my hair behind my ear. "I think you're done? We should go home now, Scarlet." "Oh my god! Scarlet, siya ba 'yong tinutukoy mong boyfriend ni ate Serenity na gus—" Mabilis kong pinutol ang sasabihin ni Kate. "Oo! Aalis na kami!" paalam ko sa mga kaibigan at hinila si Kyrous palayo roon bago pa ako mabuking ng mga kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD