Chapter 110 Ayesha's POV Hindi ko alam kung paano sasabihin sa mga magulang ko na hindi rin naman ako magtatagal sa aming kaharian. Bakas na bakas pa rin kasi sa mga mata nila ang kasiyahan na muli nila akong nakita at nakasama matapos ang ilang buwan nilang pangungulila. At hindi naman ako isang masamang anak upang naisin na wakasan ang kaligayahan nilang iyon lalo pa at masaya rin ako sa pinapakita nilang kasiyahan sa akin. Ngunit kailangan din nilang malaman ang katotohanan na iyon dahil ayoko rin naman silang umasa na habang-buhay na kaming magkakasama sa kaharian dahil alam ko naman na imposible na iyong mangyari. Hindi ko maaaring dalhin ang anak ko rito kaya hindi na ako maaaring tumira din dito nang matagal. Maaari akong umuwi-uwi kung magkakaroon ng pagkakataon. Ngunit sa ngayo

