Chapter 31 Ayesha's POV Kahit na natanaw ko na si Javadd ay hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na nga siya at binalikan niya ako. Kahit pa nang nandito na siya mismong harapan ko ay hindi pa rin talaga ako makapaniwala. Lumuhod si Javadd upang magpantay kami. At may pinunasan siya sa may ilalim ng mga mata ko at alam ko na putik iyon. Kung hindi niya iyon inalis ay may posibilidad na pumasok iyon sa mga mata ko at magiging masakit iyon. Mabuti na lamang talaga at nandito na si Javadd. Kung nalalaman lang sana niya ang pagpapasalamat ko sa kanyang pagdating. Habang patuloy sa pagpunas si Javadd sa mga nasa mukha ko ay hindi ko naman maiwasan ang mapatitig sa kanya dahil gusto kong ipaintindi sa aking sarili na nandito na nga si Javadd at hindi ito isang panaginip lang. Ngunit sa ka

