Chapter 18 Ayesha's POV Wala naman na sigurong masama kung aminin ko sa kanya ang katotohanan na iyon dahil hindi ko lamang naman siya tagapagsanay kundi kaibigan na rin ang turing ko sa kanya. Maaaring mawalan siya ng gana na turuan at sanayin ako nang dahil sa sinabi ko ngunit kung talagang kaibigan ko siya ay hindi niya ako mabilis na huhusgahan at iintindihin ang nararamdaman kong ito. Hindi ko naman mabasa kung ano ang nasa isip ni Digno ngunit pinagkibit balikat ko na lamang iyon sa aking isip. Ayoko nang isipin pa ang magiging saloobin niya tungkol sa bagay na ito. Kahit naman mawalan siya ng gana na sanayin ako ay wala naman na siyang magagawa pa dahil kailangan niya pa rin iyong gawin dahil utos iyon ng hari at binabayaran siya ng malaking halaga. "Nais mo bang pag-usapan kung

