Chapter 106 Ayesha's POV Hindi ako makapagdesisyon agad kung papasok na ba ako ng tarangkahan o hihintayin ko na lamang na may makapansin sa akin na kahit kawal man lang. Ngunit tila walang plano na magbukas ang tarangkahan kaya sa tingin ko ay wala na akong iba pang pagpipilian kundi ang tumuloy na at magpakita sa loob. Walang kasiguraduhan ang ginawa kong pagpasok. Hindi ko alam kung may nakakita na ba sa akin ngunit wala pa namang lumalapit. Hanggang sa ilang sandali pa nga ang lumipas ay may narinig na akong mga yabag. "Mahal na prinsesa?" Tinig ng isang lalaki ang sumalubong sa akin at nang lingunin ko siya ay napag-alaman ko na isa siyang kawal. Bakas pa sa mukha niya ang pagkabigla nang makita ako at hindi ko naman siya masisisi kung ganito na lamang ang pagkabigla niya nang mak

