Chapter 26 Ayesha's POV Nang tuluyan na nga kaming nakalabas ng bakuran ay isang kakahuyan naman ang pinagdalhan sa akin ni Javadd. At sa tingin ko ay isang malawak na bakanteng lote ang nasa kabilang dulo nitong gubat na siyang lalabasan namin. At doon nga namin isasagawa ang pangangabayo. Dahil nga pagpapalakad pa lang ang ginagawa namin sa mga kabayo ay medyo nagtatagal kami. Parehas pa lang kaming kumukuha ng bwelo para patakbuhin ang kanya-kanya naming kabayo. Nang sa tingin ni Javadd ay ligtas na para sa amin at para sa mga kabayo ang tumakbo ay nilingon na niya ako bilang hudyat. Tumango naman ako bilang tugon na naiintindihan ko ang nais niyang sabihin. Itinabi niya muna ang kabayo niya upang paunahin ako. At alam ko ang dahilan niya kung bakit nais niya akong mauna. Iyon ay upa

