Natahimik si Sophie sa naging tanong ng binata sa kanya. Alam na ba nito ang lahat. Sasagot na sana siya nang biglang tumunog ang kanyang phone at nang tingnan niya kung sino ang tumawag ay nakita niya na ang kanyang manager pala. Agad niya itong sinagot. "Where are you?" agad nitong tanong sa kanya. "Why? Is there something you need?" balik niyang tanong dito. "Damn, Sophie! Look what Georgette doing right now tapos parang wala lang sa'yo ang lahat?! Have you seen her video that she was uploaded awhile ago? It's already hit a million views as of now!" Hindi pa natapos sa kasasalita ang kanyang manager ay agad na niyang pinutol ang tawag nito saka siya nag-browse sa kanyang social media account at doon na niya nakita ang nagkalat na video ni Celine kung saan umani na ito ng milyon-m

