Chapter 79

1543 Words

"You are...you are pregnant." Parang sirang plakang bumabalik-balik sa isipan ni Georgette ang sinabi sa kanya ni Nikki. Napahawak siya sa kanyang tiyan, kaya pala madalas siya nakaramdaman ng panghihilo at sama ng pakiramdam. Masaya siya dahil nagbunga ang pagmamahalan nilang dalawa ni Clinton pero may ilang bahagi ng kanyang isipan ang nalulungkot dahil hindi na niya kapiling ang ama ng kanyang anak. "Si Clinton ba?" Napalingon siya sa kanyang likuran nang biglang nagsalita mula roon si Nikki. Hindi siya umimik kaya alam na ni Nikki kung ano ang sagot sa kanyang tanong. "When are you planning to tell him about it?" Umiling-iling siya, "I won't," matipid niyang sagot. Para saan pa? Hindi nga niya alam kung siya ba talaga ang minahal ng binata o ang namayalay na nitong fiancee.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD