Habang humahagulhol si Rhodora sa loob ay nakasandal naman si Alonso sa likod ng pintuan at dinig na dinig niya ang boses ng kanyang asawa na naghihirap ngayon. Wala siyang ibang nagawa kundi ang lihimang umiyak na lamang. Masakit din para sa kanya ang pagkawala ni Stephanie at nahirapan din siyang tanggapin ito pero wala na siyang magagawa para muling ibalik ang buhay ng anak. Naisip na lang din niya na siguro may dahilan ang Diyos kaya kung bakit nawala sa kanila si Stephanie nang ganito kaaga at ni hindi man lang sila nakapaghanda. "Okay ka lang ba?" tanong ni Nikki kay Georgette nang makita siya nitong tulalang nakatingin sa malayo. Marahang tumangu-tango ang dalaga, "Okay lang ako," sagot niya pero kasalungat naman ang sinasabi ng kanyang bibig sa sinasabi ng kanyang mga mata. "D

