"Mondragon, Mondragon," paulit-ulit na bulalas ng kanyang isipan habang nakaupo siya sa swivel chair na nasa loob ng kanyang opisina at nilalaro ng kanyang daliri ang hawak niyang ballpen. Hindi niya talaga malimutan ang mukha ng isa sa mga kakilala ng kanyang ama na si Mr. Mondragon. Talagang pakiramdam niya na nakita na niya ito pero kahit na anong gawin niyang pangangalkal sa kanyang mga memories ay talagang hindi niya ito nahanap sa kanyang nakaraan. "Sir, may kailangan po ba kayo?" tanong ng isa sa kanyang tauhan na itinuturing niyang kanang kamay. Inilapag niya sa ibabaw ng kanyang mesa ang picture ni Mr. Mondragon na may kalakip itong pangalan sa ibaba ng picture. "Give me some informations about this man, about his business even his family background. I want to know more about

