Napaawang ang mga labi ni Stephanie sa narinig. Napatingin siya kay Clinton na nababahala na. "Paano na tayo?" nag-aalalang tanong ni Stephanie sa binata. "Sa ngayon, mas mainam po na kumuha muna kayo ng matutulugan dahil dumidilim na. Mas mabuting bukas na lang ng umaga kayo umuwi para mas safe kayo," payo sa kanila ng driver. "Salamat po, Manong," saad ni Clinton. Tumangu-tango naman ito saka na sila iniwan. "Saan tayo pupunta?" mangiyak-ngiyak na tanong ni Stephanie sa kanya. "Hahanap tayo ng payphone," pahayag niya pero agad din naman siyang napatigil nang maaalalang wala pala siyang dala ni isang piso man lang. Nahihiyang napatingin siya kay Stephanie at kumunot naman ang noo ng dalaga. "B-bakit? May problema?" tanong nito sa kanya. "Do you have money? I forgot my money insid

