Chapter 61

1541 Words

"What are you talking about?" kunot-noo pa rin niyang tanong. Hindi talaga niya maiintindihan si Celine kung bakit ganito na lamang ang lumalabas sa bibig nito. Binabantaan kaya siya ni Sophie na kapag magsasalita siya, papatayin nito ang kanyang ina? "Are you afraid?" Napaangat ng tingin si Celine at napatingin ito sa kanyang mga mata. "Alalahanin mo sana na inosenteng tao ang ginagawan niyo nang masama. Sana maisip mo, napakabuting tao si Georgette para maranasan niya ang lahat nang nu'n." Muling umagos ang mga luha ni Celine. Alam ni Nikki, hindi madali para rito ang magsalita lalo na kapag may pagbabantang nangyayari sa buhay nito. "Matulog ka na. Aalis na ako," saad niya saka siya agad na tumalikod para lumabas na ng bahay. "Si Jeoff Sumail." Natigilan si Nikki sa sinabi ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD