Napaatras si Clinton sa sobrang pagkabigla. Narinig na niya kanina kung sino talaga ang Georgette na kasama niya ngayon pero mas nakakabigla pala ang marinig mismo galing rito na ibang tao ito at hindi ito ang taong nakikita niya sa panlabas na anyo nito ngayon. "Paanong nangyaring napunta sa'yo ang mukha niya?" Naguguluhan man siya ay nagawa pa rin niyang magtanong. "Bakit nasa iyo ang mukha ni Georgette?!" galit na baling niya rito. "Anong ginawa mo?!" Galit na binaklas niya sa braso ang dalaga at pilit na pinapatayo. "Anong ginawa mo sa kanya? Sumagot ka!" Galit na galit na pinagmasdan niya ito habang nakayuko ito at umiiyak. "I'm so sorry." Patuloy pa rin sa pagdaloy ang mga luha nito sa magkabila nitong pisngi. Galit na binitiwan niya si Celine na ang akala niya ay si Geor

