Chapter 13: Issue

1878 Words
Ria Jade   HINDI ko mapigilang mapangiwi habang kinakaladkad niya ako palabas ng bar. Sa klase palang ng hawak niya halata na ang matinding galit niya. Hindi nalang ako umiimik kahit na nasasaktan na ako dahil natatakot akong mas lalo pa siyang magalit.   Hanggang sa makalabas ng bar ay tuloy-tuloy lang siya sa pagkaladkad sa akin. Binitawan lang niya ako nang makarating kami sa tapat ng kotse ko. Napangiwi agad ako habang hinihimas ang braso kong namumula na ngayon.   “Go home,” he said coldly bago ako tinalikuran at naglakad paalis. Bigla akong nataranta at mabilis na nagsalita.   “No,” agap ko. Lumingon siya sa akin at tiningnan ako ng masama. Malalaki ang hakbang na lumapit siya sa akin at mahigpit akong hinawakan sa magkabilang braso na ikinagulat ko. His face darkened. Wala akong ibang makita sa mga mata niya kundi galit.   Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba.   “Ano pa bang gusto mo?” He asked with gritting teeth. “Wala na tayo, ‘di ba? Putangina! Ano pang kailangan kong gawin para umalis ka na nang tuluyan sa buhay ko?!” He growled.   Natigilan ako. Biglang nag-init ang sulok ng mga mata ko hanggang sa kusang tumulo ang mga luha sa pisngi ko.   “How dare you..” I murmured under my breath.   He sighed irritably and looked away. Kahit gaano pa kahigpit ang kapit niya sa akin ay hindi na ako makaramdam ng kahit na anong sakit. Tuloy-tuloy lang sa pag-agos ang mga luha ko.   “Let’s just stop this once and for all,” He looked at me. Walang mababakas na kahit anong emosyon sa mukha niya. “Stop meddling with my business, Ria. Stop meddling with my whole life as if you’re a part of it! Ikaw lang ang masasaktan kung ipagpapatuloy mong ipagsiksikan ang sarili mo!”   I looked down and cried more.   “Nakikiusap ako. Umalis ka na, Ria. Umalis ka na sa buhay ko!” malakas niyang sigaw. Sinubukan kong magpumiglas sa hawak niya pero wala akong naging laban sa lakas niya. Wala akong ibang magawa kundi mapahagulgol.   “Why?” I asked between my sobs. “Why is it so easy for you? Bakit napaka dali sa’yo na saktan ako!” Pinagsusuntok ko siya sa dibdib. “Bakit tina-trato mo ‘ko ng ganito?! Bakit hindi mo ‘ko magawang tingnan sa kung paano mo ako tingnan noon?! Sumagot ka! BAKIT ANG HIRAP MONG MAHALIN!” buong lakas kong sigaw.   Napapikit ako ng mariin habang walang tigil ako sa paghagulgol. Pinigilan niya ako sa magkabilang kamay ko pero hindi ako nagpapigil at patuloy sa p*******t sa kanya. Wala akong pakielam kung saang parte man tumama ang kamao ko. Inilabas ko lahat ng hinanakit ko.   “TUMIGIL KA NA!” he snapped. Mahigpit niyang hinawakan ang mga kamay ko at mariing sinalubong ang mga tingin ko.   “Tumigil ka na..” bulong niya at mariing ipinikit ang mga mata. “Please! Ayoko na! Ayoko na! Akala mo ba ikaw lang ang napapagod?!”   “Napapagod na rin ako sa pag-intindi sa’yo!” puno ng hinanakit niyang sigaw. “Matagal na tayong tapos pero hindi ko maramdaman na malaya na ‘ko! Akala mo ikaw lang ang nahihirapan?” He looked at me helplessly and pain was evident in his eyes. Pero mabilis rin ‘yong nawala at bigla niya akong binitawan kaya muntik na akong ma-out of balance.   Napahilamos siya ng mukha at tinalikuran ako.   Wala pa ring tigil sa pagtulo ang mga luha ko.   “You said to me before,” I cried. “Gusto mo tayo hanggang dulo. ‘Di ba?” I looked at him with pleading eyes.   “Things aren’t the same as before,” Humarap siya sa akin. “Just move on, Ria. Acceptance and move forward. That’s all what we need. Ipagpatuloy mo ang buhay mo tulad noong wala pa ako sa buhay mo. ‘Yun ang sagot na kailangan mo.”   Hindi ako nakasagot. Tahimik lang akong umiiyak at hindi gumagalaw sa kinatatayuan ko.   Palagi kong itinatanong sa sarili ko. Huli na ba talaga ang lahat? The truth is, matagal nang huli ang lahat sa amin. Mula noong gabing tumakbo ako paalis. Masyado lang akong nagbulag-bulagan. Umaasang may pangalawang pagkakataon pa sa amin.   Makalipas ang ilang sandali ay lumapit siya sa akin. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan at hinawakan ako sa braso, inalalayan niya ako papasok pero wala sa sariling kumawala ako sa bisig niya.   He sighed helplessly. “Ria, please. Don’t force yourself. Sa susunod nalang tayo mag-usap. Go home and take some rest,” he said softly. Wala na akong lakas para umangal pero bago niya ako mapapasok sa loob ng kotse ay kinabig ko siya ng yakap. I felt his body stiffened when I encircled my arms around his waist.   I rested my chin on his shoulder kasabay ng pagpatak ng luha ko sa suot niya.   I closed my eyes as I savored this moment for a while.   “I love you..” I murmured na may kahalong sakit at sinseridad bago dahan-dahang humiwalay sa kanya. Walang imik na pumasok ako sa loob ng kotse. Maingat naman niyang isinara ang pinto at humakbang paatras para bigyan ako ng space.   Napahugot ako ng isang malalim na hininga at pinunasan ang mga luhang nagkalat sa mukha ko bago nagpasyang buksan ang makina ng sasakyan.   Hindi na ako nagbalak pang tumingin sa gawi niya hanggang sa makaalis ako roon. Nang makalabas ako ng tuluyan sa bar, inihinto ko ang sasakyan sa gilid ng kalsada at doon pinakawalan ang mga luhang kanina pa gustong tumakas sa mga mata ko. Sunod-sunod akong napahikbi at napadukdok nalang sa manibela.   Wala akong ibang ginawa kundi umiyak. Umaasang gagaan kahit papano ang pakiramdam ko pero wala pa rin akong ibang maramdaman bukod sa sakit.   Ginawa ko na lahat. I’ve done all my best. But in the end, hindi ko pa rin pala kayang ibalik lahat kung ako lang ang nag-iisang lumalaban. Hindi lahat ng gusto pu-pwedeng ipagpilitan.   Maybe this is the time to end all our misery.. My misery.   Natigilan ako nang marinig ang malalakas na katok galing sa bintana. Umangat ang ulo ko at doon nakita si Rianne na nakasenyas sa lock ng sasakyan. Dahan-dahan akong umayos ng upo at ginawa ang isinisenyas niya.   “Oh God!” Nagmadali siyang pumasok at agap akong hinawakan sa magkabilang pisngi.   “Hush..” She wiped the tears over my cheeks. Halata sa mukha niya ang labis na pagka-awa sa akin na dahilan upang ikatigil ko. Alam kong miserable ako ngayon pero hindi ko gusto ang tingin na ipinupukol niya sa akin. Nare-realize kung gaano ko pinagmumukhang tanga ang sarili ko para lang sa isang lalake.   Napaiwas nalang ako ng tingin. “L-let’s go home..” I murmured na sinagot lang niya ng simpleng tango.   ***   KINABUKASAN.   I slowly opened my eyes when I heard someone’s knocking outside my room.   “Hoy babae. Okay ka lang ba? Buhay ka pa? Kumain ka naman kahit papano..” Narinig ko ang malamya at nag-aalalang boses ni Rina mula sa labas.   Nanatili akong walang sagot. Hindi iyon ang unang beses na sinubukan nila akong kausapin. Halos buong araw ay nakakulong lang ako sa loob ng kwarto ko. Sinusubukan ko namang bumalik ang enerhiya ng katawan ko pero madalas napapatulala nalang ako sa kawalan. Gusto kong kumbinsihin ang sarili kong magiging maayos din ang lahat pero walang ibang pumapasok sa isip ko, nananatili lang itong blangko.   Nang hindi ko na marinig ang boses niya mula sa labas, muli kong ipinikit ang mata ko hanggang sa lamunin ako ng antok. Nagising lang ulit ang diwa ko nang maramdaman ko ang labis na pagkasilaw at sunod-sunod na tunog na naririnig ko. Nagmulat ako at tinakpan ang mata ko mula sa sinag ng araw.   Dahan-dahan akong bumangon at tiningnan ang oras sa side table ng aking kama. Tanghalian na at kumukulo na rin ang tiyan ko.   Katatayo ko palang mula sa kama nang mapatingin ako sa phone ko. Kanina pa ‘yon tunog ng tunog. Nagdalawang-isip pa ako kung sisilipin ko ba ‘yon dahil paniguradong si Dennis lang ‘yan na nangungulit sa akin. Napabuntong hininga ako bago kinuha ang phone sa side table.   Sunod-sunod na notifications ang bumungad sa’kin mula sa iba’t ibang social media accounts ko. Malakas ang kutob kong kumalat na ang nangyari kagabi kaya ganitong halos sumabog na ang notifications ko.   Para makumpira, pinindot ko ang article na sunod-sunod ang bungad sa akin.   Jade Agustin and Mikael Falermo caught kissing at the bar last night! READ HERE.   Napaawang nalang ako ng labi habang nakatingin sa article. Mabilis kong binisita ang comments.   ‘Sila na ulit?’ ‘Di ba kakasabi lang ni Mikael na wala namang sila?’ ‘Si Mikael mismo nagsabi. Desperada lang talaga siya’ ‘Si Jade yata talaga problema kaya sila nag-break. Tapos ngayon desperadang makipagbalikan. Eww.’   Biglang nanghina ang katawan ko at napaupo ako sa kama.   Napatakip ako ng bibig at pinadausdos ang kamay sa aking buhok. “This is all my fault..” bulong ko. Napapakit ako at ginulo ang buhok sa frustration.   Napaka-laki mong tanga Ria Jade! Ano ba kasing pumasok sa kokote ko at naisipan kong gawin ang bagay na ‘yon?! Argh! Lintek kasing selos ‘yan!   “What should I do now?” tanong ko sa sarili, animo’y namomroblema.   Napagpasyahan kong ituloy muna ang naudlot na pagpasok ko ng banyo kanina. Balak ko sanang mag-ayos lang ng sarili pero nakita ko nalang ang sarili kong nakababad sa ilalim ng shower habang nilalamon ng malalim na pag-iisip ang utak ko.   Hindi ko na talaga alam ang dapat kong gawin. Hindi rin ako sigurado kung ano ang magiging epekto noon sa amin. It’s either the issue will soon die down, or they will keep digging until they find out what my real intentions were. That their conclusion was right. Isa akong desperada.   Matapos ang halos isang oras ay nakalabas na ako ng banyo at tapos na ring gawing presentable ang aking sarili. Ayokong ipakita sa kanilang mesirable ako. Pagbaba ko ng hagdan ay umikot agad ang tingin ko sa paligid. Inaasahan ko na ang mga taong naghihintay sa akin pero nakakapagtakang walang tao. Ipinagkibit-balikat ko nalang at dumiretso sa dining para sana kumain.   “Iwanan mo nalang sa labas— “ Sabay pa kaming natigilan ni Mom nang magkasalubong ang mga tingin namin. “Anak!” she snapped. Napalingon sa akin ang dalawang babaeng nakatalikod sa gawi ko at gano’n nalang ang panlalaki ng mata ko nang makita ko siya.   ***   “JUST what were you thinking, Ria Jade?!”   Napatikom ako ng bibig sa sigaw na iyon ni Dennis. Nanatiling nasa baba ang tingin ko, sa pagkaing nakalatag sa harapan ko na parang doon lamang ako makakahanap ng kakampi. Hindi ko naman alam na ganito siya kaatat na tuktukan ako sa katangahan ko para mag-effort pa siyang puntahan ako sa mismong bahay ko. Kung alam ko lang, sana ay ipinagpatuloy ko nalang ang pagda-drama ko sa loob ng kwarto.   Hindi pa man din maayos ang huling pa-uusap namin. Tapos panibagong sakit na naman ng ulo ang bungad ko. I’m not yet ready for this!   “Hindi naman siguro magkaka-problema sa issue, ‘di ba?” sabat ni Rina sa isang tabi. Nakatayo silang tatlo sa tapat ng mesang kinauupuan ko. Feeling ko tuloy nasa hot seat ako.   “We cannot control social media but we can stop the issue by making excuses. Kapag tumagal, mawawala na rin sa isip nila ang issue. That’s how social media works,” seryosong sagot ni Dennis na hindi nawawala ang masamang tingin sa akin. Sa tingin ko ay hindi niya ako magawang pagalitan ng husto dahil nasa harapan namin ang nanay ko.   Should I be thankful?   Sabay na napatango ang dalawa sa sinabi ni Dennis.   “So, what’s your plan then?” tanong naman ni Mom habang nakatingin sa akin. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanilang tatlo nang mapansing sa akin nakatuon lahat ng paningin nila.   Rina raised a brow at me as if she’s motioning me to say something.   “Can I eat first?” nag-aalangan kong tanong na sinagot lamang nila ng pag-irap.   Luh. Parang kanina hindi mga nag-aalala at pilit akong pinapakain. Tss.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD