Chapter 16: Thank you, Goodbye

1954 Words
Author's note: I'm back! This chapter is still unedited at hindi pa ako gaanong satisfied pero alam kong matagal na kayong naghihintay sa new update kaya 'yan na lang muna. Hehe. *** Ria Jade "How are you feeling?" Dennis asked while the staffs are busy preparing the equipments for the interview. "Fine," I simply answered. Ibinaba ko sa table ang water bottle na nilagukan ko at tsaka huminga ng malalim. Blangko ang isip ko pero mistulang may mabigat pa rin sa ulo ko. Siguro ay dahil sa kaba, at pag-aalangan. I know that this is the right decision pero hindi ko alam kung bakit nagda-dalawang isip pa rin ako. Heck. I was so confident just awhile ago pero dahil sa karupukan ko ay parang babaligtad na ang sikmura ko sa kaba at parang ang sarap nang mag-back out. Marupok. That was the main reason why all of this happened. Wala na akong ibang ginawa kundi sisihin ang sarili ko pero hindi naman ako gumagalaw. Baka nga pati ang konsensya ko gusto na rin akong batukan para magising na ako sa katotohanan. Ibang level na daw kasi ang karupukan ko, pang international na. Chos. "Ready na po tayo, Miss Jade." They motioned me to sit on the sofa and prepare myself. The interviewer already gave me the list of questions she will ask so I was already prepared for it. I took a deep breath for the nth time and tried to ease my mind. You can fvcking do it, Ria. Remember, hindi lang para sa'yo ito. Para kay Rianne, para kay Rich Anne, at para sa punyetang kapayapaan ng nakararami. Laban! "ROLING NA!" Batid kong halos lahat ay natigilan sa biglang pagsigaw ko maski ako. Hindi ko namalayang napasigaw na pala ako sa biglang pagtaas ng motivation ko. Para tuloy gusto kong pukpukin ang sarili ko sa kahihiyan nang mahinang nagtawanan ang mga staff. "Do you have an appointment, Jade? Why in sudden rush?" I heard the director said that made them laugh again. Nakita ko pa kung paanong napailing si Dennis sa isang gilid kaya napapahiyang napanguso na lang ako. Sornaman! Makalipas ang ilang sandali ay nag-anunsyo na ang director na magsisimula na ang interview kaya naman sumeryeso na ang lahat. Hindi naman inabot ng isang oras ang interview dahil about lang naman sa issue ang dapat naming pag-usapan. Ipinaliwanag ko sa kanilang lahat na wala nang kahit na ano pa mang namamagitan sa amin ni Mikael dahil magkaibigan na lamang kami ngayon—kahit hindi naman talaga. Pati na rin 'yung rumor about sa naging pagbubuntis ni Rianne ay binigyang linaw ko, na kaya siya nawala sa modelling industry ay dahil doon at kuntento na siya sa buhay nila ngayon ng anak niya. At siyempre, na hindi rin si Mikael ang ama ng dinadala niya. Panghuli ay nanghingi ako ng tawad lalo na sa ginawa kong issue noong hinalikan ko si Mikael. Sinabi kong dala lamang ng kalasingan kaya ko iyon nagawa—na hindi rin naman totoo. Tumatanda na akong sinungaling, pucha lang. The next morning, I texted him na gusto ko siyang makausap sa huling pagkakataon. Wala na rin naman kaming dahilan para magkita pa kaya gusto kong maging maayos pa rin ang lahat between us before I finally let go of him. Masakit, pero wala, e. Kailangan kayanin. Parang ang sarap na lang tuloy mapakanta ng 'Di ko kayang tanggapin! Na mawawala ka na sa akin! With matching cross arms pa para dama ang pighati, ng pusong sawi. Char. Bago ako pumasok ng restaurant, napahinga muna ako ng malalim para mapakalma ang aking sarili at nagbilang ng tatlo, na umabot ng sampo dahil walang talab ang counting technique ko para mapakalma ang sarili. Nang makapasok ako ay inilibot ko agad ang paningin sa paligid bago napako ang tingin sa lalakeng mag-isang nakaupo sa isang table. Nakatitig lang siya sa'kin hanggang sa makalapit ako sa kanya. "Hi," bati ko. "Sorry, medyo na-traffic lang ako," plastic kong sabi kahit sa totoo lang ay hiniling ko talaga na abutin ako ng siyam-siyam sa daan para hindi matuloy dito. Sign ko na sana iyon para hindi tuluyang sumuko, pero waepek pa rin. "Ayos lang." Walang kahit na ano akong mabasang emosyon sa mukha niya. Hindi ko tuloy mapigilang medyo padabog na umupo sa tapat niya dahil napapaisip ako kung pati ba naman dito ay napipilitan siyang makipag-meet sa'kin. Hindi man lang inisip ang mararamdaman ko. Tch. "Hindi ka pa umo-order?" Hindi ko alam kung tanga ba ako o sadyang tanga lang dahil sa naging tanong ko. Obvious namang wala pang kahit na anong pagkain sa table! "Hindi ko alam kung anong gusto mo kaya hinintay muna kita." Napangiti naman ako sa sinabi niya at tsaka kinuha ang menu para pumili ng order. Ganun din ang ginawa niya. Gosh. This is so awkward! Pero hindi ba dapat sulitin ko na dahil ito na rin naman ang huli? Tama. Tama. Think positive lang. Think positive now, and negative later. Chos. Habang nakayuko siya at abala sa pagpili ng order sa menu ay hindi ko maiwasang titigan siya at halos kabisaduhin ang bawat detalye ng mukha niya. Marami akong gustong itanong sa kanya. Pero isa lang ang malinaw sa akin. Hindi niya kasalanan na wala na siyang nararamdaman pa sa akin. Sabi nga nila, time destroys love slowly. Hay, buhay. Kay hirap umibig! "Ria?" Napakurap ako nang tawagin niya ang pangalan ko. Meghed. Bakit kinikilig pa rin ako kahit pangalan ko lang ang binabanggit niya. Back out na ba tayo? "O-oh?" Fvck. Did I just stuttered? "Your order." Kinuha niya ang isang baso ng tubig sa table at uminom doon pero hindi ko alam kung dahil lang ba sa paglagok niya o talagang nakita ko kung paano umangat ang sulok ng labi niya. Err. Whatever. Hindi ko napansing nasa tabi na pala namin ang waitress kaya agad kong sinabi ang aking order sa kanya dahil napansin ko din kung paano niya tingnan ng malagkit ang ka-date ko. Echosera din, e. Hindi pa nga ako nakikipag-break officially nakaabang na kaagad. Abangers ka, girl. "Is that all, Ma'am?" she asked. My brow arched. "Bakit? Nakukulangan ka ba? Desisyon ka, ikaw ba kakain?" tanong ko na nauwi sa pambabara dahil sa pagka-asar ko sa kanya. Kita ko ang saglit na pagkagulat sa mukha niya pero mabilis din niya iyong pinalitan ng ngiti at tsaka magalang na nagpaalam. "Jade." Natigilan lamang ako nang mariing tawagin niya ang pangalan ko. Lumingon ako sa kanya at tsaka inosenteng ngumiti. "Jade," pag-uulit niya. Biglang kumunot ang noo. "Where does the name Jade come from?" nagtatakang tanong niya. Yiee. Curious siya, ih. "That was actually my second name. Hindi ko lang ginagamit because my father created that name for me," kaswal kong sagot. "May iba ka pa bang gustong malaman tungkol sa'kin? Hawak mo ang oras ko. Yah know, marami tayong oras para maglan— I mean, kamustahan. Talk about stuffs, or pwede ring mauwi sa comeback," I joked and then giggled. Napailing naman siya sa haba ng sinabi ko na nauwi sa pag-irap. Positive. Mas mataray na siya sa'kin ngayon. Ba't parang masama kutob ko kung bakit ayaw niyang makipag-comeback sa'kin? Hindi naman siguro, 'no? Nang dumating ang order namin ay namayani ang katahimikan sa pagitan namin dahil sa pagiging abala sa pagkain. Paulit-ulit akong napapasulyap sa kanya. Naghahanap ng pwedeng maging topic sa bawat sulok ng isip ko. "Have you watched the interview?" tanong ko. Ibinalita na 'yon noong isang araw kaya medyo nawawala na rin ang init ng social media sa akin. Although, hindi naman lahat ay maniniwala agad sa statement ko. Hindi naman maiiwasan 'yon. Lalo na't dagsa talaga ang insecure sa ganda ko. "Of course. Bakit hindi? I'm glad you did the right thing. Nagpunta rin ako dito para personal kang pasalamatan sa ginawa mo. Thank you, Ria." Malawak siyang ngumiti habang diretsong nakatingin sa mga mata ko na halos magpabitaw sa hawak kong kusara't tinidor. Para kasing nakita ko sa mga ngiti niya ang unang Mikael na nakilala ko. Pero hindi ko maiwasang malungkot sa sinabi niya. Nagpilit ako ng ngiti at nagpanggap na lang na nagpatuloy sa pagkain. "Ano nga pala ang sasabihin mo? You told me gusto mo akong makausap. I don't want to be rude pero kung tungkol na naman ito sa atin—" Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Sa isang iglap ay biglang umusbong ang emosyong kanina ko pa pinipigilan. Pinipilit kong itago ang sakit sa pamamagitan ng pag-ngiti. Pero sa likod ng maaliwalas na ngiting 'yon, alam kong isang tapik lang sa balikat ang katumbas at mag-uunahan na sa pagtulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Mukhang napansin niya ang pagbabago ng mood ko kaya matagal siyang napatitig sa akin. "Something's wrong?" He panicked a bit. "Hindi mo ba nagustuhan 'yung lasa? I'm sorry, I thought you'd li—" "Why?" Mula sa pagkain ay umangat ang tingin ko sa kanya. Seryoso ang tingin. "Bakit kailangan mo pa magpasalamat? Masaya ka ba talagang nasasaktan ako? Gan'on talaga katindi ang pagkamuhi mo sa'kin?" Napangiti ako ng mapait kasabay ng pamumuo ng luha. Natigilan siya habang nakatitig sa akin. Bumuka ang mga labi niya para magsalita pero mukhang maski siya ay hindi alam ang sasabihin. "I didn't mean to say that.." nahihirapan niyang saad. Of course, you don't. Wala ka naman talagang pakielam sa nararamdaman ko. "Now I know exactly how it feels. Kung gaano kasakit magmula noong gabing 'yon. Damang-dama ko na lahat ngayon." Napatango ako na parang may napagtanto. "And I deserved it. I'm very sorry, Mikael.." Napayuko ako kasabay ng pagtulo ng butil ng luha sa pisngi ko. Mabilis ko rin itong pinahid at pilit na tumawa. "Ang drama ko naman," natatawa kong sabi. Tumingin ako sa kanya pero sumalubong sa'kin ang mariin niyang titig. Para bang.. may kung anong emosyon sa loob niya na pilit niyang pinipigilan lumabas. O sadyang nag-aasume na naman ako. Haha. "Hindi naman talaga ako nagpunta rito para ipagsisiksikan na naman ang sarili ko. Gaya ng sabi ko, gusto kitang makausap. Kahit sa huling pagkakataon." I sighed. "Well, I guess, it's time to congratulate you dahil sa wakas ay mawawala na ang makulit na babaeng ito sa landas mo. Congrats! Wala nang Ria na magpupumilit pang manghimasok sa buhay mo. Wala nang Ria na sisira pa career mo. Hindi na masisira ang araw mo sa t'wing susulpot ako. W-wala na ring Ria na magmamahal pa sa'yo.." pinilit kong buuin ang boses ko. "O kaya.. kalimutan mo na lang ako. Para mas better, 'di ba?" I tried to smile kahit nanlalabo na ang mga mata ko sa luhang pilit kong pinipigilan. Kahit nanginginig ang kamay ay pinilit kong buksan ang bag ko at inilabas ang isang pamilyar na litrato pagkatapos ay ipinatong sa table katapat niya. Gusto ko na ring makaalis na agad dito dahil mas lalo ko lang sinasaktan ang sarili ko. "Hindi ko na kailangan 'yan. Sunugin mo kung gusto mo, wala na akong pakielam. Tutal 'yan lang naman ang naiwang alaala natin sa isa't isa." A tear fell from my eye. "Magmula ngayon.. pinapalaya na kita, Mikael." I forced a smile. Hindi ko na pinatagal pa. Hindi ko na rin hinintay pa ang magiging sagot niya dahil matagal ko na rin naman itong narinig at agad na tumayo. Tumalikod ako at nagsimulang maglakad paalis, hindi na siya tinapunan pa ng huling tingin. Mabigat ang aking mga paa na naglakad habang mabagal ang bawat hakbang, umaasa pa rin kung may kamay na pipigil sa akin. But I guess there's no chance at all. This is really a goodbye.. And just like that, we finally parted ways.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD