Chapter 8: Steps

2472 Words
Ria Jade MATAAS na ang sikat ng araw, dapat ay nasa eskwelahan na kami sa mga oras na ito pero pinilit ko si Axel na dumaan muna sa isang ice cream parlor. Masyado pang maaga para sa almusal na ice cream pero sadyang ito ang hinahanap ng sikmura ko ngayon. Gusto kong magpalamig ng ulo kaya literal na brain freeze ang nangyari sa akin sa aga naming dumayo dito. Walang nagsasalita sa amin sa mga nakalipas na sandali. Halos mapadukdok na ako sa table habang pinaglalaruan ko ng kutsara ang ice cream sa loob ng baso. Batid kong kanina pa ako tinitingnan ni Axel at pilit inoobserbahan ang kilos ko pero mas piniling hindi magsalita. Nang hindi makatiis, nagulat nalang ako nang bigla niya akong pitikin sa noo. “Aray!” daing ko. Napaayos ako bigla ng upo at mabilis siyang dinukwang para hampasin sa braso. “Anong problema mo?!” I blurted out. “Tss. Ikaw ang dapat tanungin,” inis niyang sabi. “Anong problema mo? Kanina pa malalim ang iniisip mo. Si Mikael ‘yan noh?” He asked and wiggled his eyebrows. Napairap naman ako at bumalik sa kaninang pwesto. Halos kapantay na ng mukha ko ang baso habang nakapalumbaba ako sa table. Napanguso ako. “I already talked to him,” panimula ko. Mabilis na nagbago ang reaksyon niya at napaayos ng upo. Halatang interesado sa susunod kong sasabihin. “What happened then?” I pursed my lips. Malakas akong napabuga ng hangin. “What do you think? Obviously, hindi naman maayos lahat ng ganun kadali.” Biglang tumamlay ang mukha niya at sumandal sa kinauupuan. Hindi pa nga ako sigurado kung totoo ang reaksiyong pinapakita niya. Napailing siya. “What else did he said?” tanong niya na nagpatigil sa akin. Biglang bumalik sa isipan ko ang mga nangyari. “Matagal ko nang kinalimutan na minahal kita.” Mapait akong napangisi nang mag-echo sa isip ko ang boses niya. Umangat ang tingin ko kay Axel. Matagal akong napatitig sa kanya to the point na halatang nawiwirduhan na siya sa akin. He raised a brow. “What?” “Bakit ganyan kayo?” I asked in nowhere. Halata namang naguluhan siya sa sinabi ko. “Masyadong prangka kung magsalita. Hindi niyo namamalayan sa simpleng mga salita niyo parang wala lang, pero para sa amin halos ikadurog namin.” A fake smile slowly crept to my lips and stare at the cup of ice cream. Lumipas muna ang ilang sandali bago niya nasagot ang tanong ko. “Hmm..” Kunwari pa siyang napaisip. “It depends on the situation, I guess.” I looked at him. “Lalake ka man o hindi, talagang nakakapagbitaw ka ng masasakit na salita sa ibang tao kapag nasasaktan ka. O kaya naman, nakakapagbitaw ka ng mga salitang ikakasakit ng damdamin ng iba dahil gusto mong maintindihan at maramdaman din nila ang sakit na nararamdaman mo.” I bit my lower lip. “What if he really means it?” Unti-unting bumaba ang tingin ko sa pagkain sa naging tanong ko. “Then I guess, he really doesn’t want to be with you anymore..” Mabilis na napaangat ako ng tingin nang marinig ang sinabi niya at napaayos ng upo. “Paano mo naman nasabi?! Ikaw ba ang nasa kinatatayuan niya, ha?!” bulyaw ko. He rolled his eyes. “Nagtanong ka ‘di ba? Sinagot lang kita.” I pouted, tearing up. “Walang ibang nakakakilala sa kanya ng lubos bukod sa akin. Sinabihan niya ako ng masasakit na salita that day but I know deep inside,” I stopped. “He was just hurt. I hurted him and his pride kaya hindi niya ako mapapatawad ng ganun kadali.” He intertwined his hands. “What’s your plan then?” Napakamot ako ng ulo. “Yun nga ang problema ko eh. I don’t have any. Halos ilang araw na rin akong nag-iisip pero ayaw makisama ng brain cells ko.” Hinawakan ko ang magkabila niyang kamay sa ibabaw ng table na halatang ikinabigla niya. I smiled and showed him my greatest asset. “Help me nga,” I pleaded at nagpuppy eyes sa kanya. Hindi ko alam kung gagana ito pero cute naman ako kaya baka maawa siya sa akin at makumbinsi ko siyang tulungan akong gumawa ng plano. Lalake siya kaya alam niya kung ano ang kahinaan ng kapwa niya lalake. He scoffed. “Why? Ako ba ang ex?” Hindi nawala ang ngiti ko kahit gusto ko na siyang batukan sa sinabi niya. “Hindi ko naman sinabing ikaw ang maghahabol. You just have to give me an advice bilang kapwa lalake mo naman siya, ‘di ba? Siguradong malaki ang chance na magbalikan kami sa tulong mo! Isn’t amazing?” I asked with excitement. “Isn’t amazing?” He sarcastically mocked me. “Anong nakaka-amaze doon?” I made face. Marahas kong binitawan ang kamay niya at sumandal sa kinauupuan. “Isipin mo nga, babae ka. Ang mga binibini kailan man hindi maaaring maghabol sa lalake, kami ang gumagawa ng paraan para mapalapit sa inyo. Parang patimpalak lang ‘yan e, dadaan kami sa mga pagsubok upang makuha ang gantimpla. Gets mo?” panenermon niya sa akin na daig pa ang isang makata kung magsalita. Napangiwi ako. “Wala akong nakikitang masama. Kung ganun pala, anong role namin? Hanggang tingin lang sa lalakeng gusto namin? Unfair!” Napabuga siya ng hangin. “Alangan namang ikaw ang manligaw? Mas matatanggap ko pa kung sa halip, ikaw nalang ang gumagawa ng paraan para habulin ka niya e!” He unconsciously said. Bigla akong natigilan. I blinked several times. “Oh my God!” Napatakip ako ng bibig na halatang ikinagulat niya. “B-bakit?” Dumukwang ako at inalog-alog ang balikat niya. “You’re so brilliant! I love you na talaga!” Hindi ko mapigilang mapatili sa tuwa. Halos magtatalon pa ako sa kinatatayuan kung hindi ko lang naalala na nasa isang public place kami. Baka bigla nalang kaming palayasin sa sobrang ingay namin. “Huh?” he asked cluelessly. Imbes na sumagot, kinuha ko ang phone ko at may kung anong kinalikot doon. Hindi ko mapigilang mapangiti habang nagtitipa sa keyboard kaya kinailangan ko pang kagatin ang ibaba kong labi. “What are you doing?” “I am searching on google,” pigil ang kilig kong sabi. “About what?” “Effective ways to make a guy chase you.” “WHAT?!” he snapped that made me looked at him. Pagalit niyang hinampas ang mesa. “What the actual fvck are you thinking?!” “What do you mean?” nagtataka kong tanong. “I was just searching, wala namang mali sa—“ “Anong wala? Nag-iisip ka ba?!” galit niyang sigaw. “O sadyang bobo ka lang?!” I raised a brow. “Wow. So, tingin mo matalino ka na sa lagay na ‘yan?” He closed his eyes firmly and heaved a sigh. “Fine! Gawin mo kung anong makakapagpatanga sa’yo, dyan ka masaya e.” Padabog siyang sumandal sa kinauupuan at pinagkrus ang mga braso sa dibdib. “Bakit ba galit na galit ka?” naguguluhan kong tanong. “Tss. Palibhasa hindi mo pa nararanasan magmahal kaya hindi mo alam ang pakiramdam,” kunwa’y pang-aasar ko upang maibsan ang inis niya. “Matagal ko nang naranasan.” My eyes widened. “Really? Who’s the lucky girl then? Rina?” He looked at me but then rolled his eyes. “Mind your own business.” Sus, tampururut na naman siya. “KDot,” kunwa’y pagtataray ko. “Tss.” He hissed. *** “9 Effective ways to make guy chase you..” I read the article. Bumunot ako sa chips na hawak ko at isinubo iyon bago in-scroll pataas ang binabasa kong article. Saktong break time ngayon kaya hindi na ako nag-aksaya pa ng pagkakataon na ipagpatuloy ang balak ko. Kasalukuyan akong nasa loob ng classroom habang nag-iisip ng plano sa aking mga gagawin. Hindi na ako umaasang tutulungan ako ng Axel na ‘yon. Base palang sa reaksyon niya kanina halos ipagduldulan na niya sa kukote ko kung gaano daw ‘katanga’ ang naisip ko. Tss. “Rule number 1: Show confidence.” I stopped. Napatingala ako at napaisip. Am I confident enough? Itinuloy ko ang pagbabasa. “One fact that you need to know is that men love women who have confidence. Ooh..” Napatango-tango ako. Ganun pala ‘yon? “Once you appear confidence, it will look as if you are not only interested in a man and this will make the guy desire you more..” Bigla akong na-excite sa nabasa. Hindi ko mapigilang mapangiti ng malawak habang nag-iisip ng plano sa isip ko. Confidence, Ria. Confidence is the key upang makamit ang huling halakhak. Hihi. I’m super excited! *** KINABUKASAN. [Pasalamat ka talagang malaki ang kasalanan ko sa inyo kaya ko 'to ginawa. Kung hindi, naku! Hindi talaga kita susuportahan sa kagagahan mo!] Umagang-umaga pero walang ginawa ang magaling kong pinsan kundi sermunan ako. Kung hindi ko lang talaga kailangan ang tulong niya hindi ako tatawag noh. Alam ko kasing ganito ang magiging reaksyon niya. “Yeah, whatever..” walang gana kong sagot. “Thanks for giving me his number. Alam kong maasahan ka talaga pagdating sa mga connections,” halakhak ko. [Whatever. Ikaw na ang bahala. H’wag ko lang malalaman na puro kahihiyan ang idudulot ng pagtulong ko sa’yo ha! Makikita mo talaga.] pagbabanta pa niya sa kabilang linya. “Oo na. I need to hang up na. Bye-bye!” After I ended the call, hindi ko mapigilang magpagulong-gulong sa ibabaw ng kama sa sobrang tuwa. Impit pa akong napatili habang kagat-kagat ang unan. “Okay, Ria. Get a grip of yourself,” ani ko sa sarili. Bumangon ako at umayos ng upo. Napatingin ako sa text message galing sa kanya kung saan naroon ang bagong number ni Mikael. May pakinabang talaga ang dati niyang co-models. Swerteng ilan sa kanila ay kaibigan ni Mikael at may contact sa kanya. Hihi. Kaunti lang kasi ang mga kaibigan kong co-models dahil hindi naman ako friendly. Alam niyo naman ang naging buhay ko noong high school. “Should I make a call na?” I asked to myself. “Ano namang sasabihin ko?” problema kong tanong at nagsimulang magpabalik-balik ng lakad sa loob ng kwarto. Nakakailang ikot na ako nang bigla akong mapatigil. Mahina kong sinampal ang sarili para magising sa katinuan. “Where’s your confidence, Ria? Nag-uumpisa ka palang pero nagda-dalawang isip ka na agad!” sermon ko sa sarili. Bumaba ang tingin ko sa hawak na phone. Makailang beses akong bumuga ng hangin upang pakalmahin ang sarili pero parang walang saysay. Pinaypayan ko ng palad ang mukha ko bago napapapikit at humugot ng isang malalim na hininga. “This is it. I just need to press the button..” I murmured. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras, walang hingahan kong pinindot ang call button at itinapat ang phone sa aking tenga. Kasalukuyan akong nag-iisip ng mga sasabihin sa oras na sagutin niya ang tawag nang bigla akong makarinig ng isang boses sa kabilang linya. “The number you have dialed cannot be reached at the moment, please try again later.” Pucha. Biglang bumagsak ang balikat ko sa pagkabigo. Pero hindi dapat ako mawalan ng pag-asa! Sinubukan ko siyang tawagan sa pangalawang pagkakataon. Buong akala ko ay mamamatay na naman ang linya kaya hindi ako nakapaghanda, pero nagulat ako nalang ako nang bigla itong mag-ring. Bigla tuloy bumalik lahat ng kaba ko kanina. [Hello? Who’s this?] pormal na sagot niya sa kabilang linya. “Is this Mikael Falermo?” may halong pagtataray kong tanong habang pinipigilan ang ngiti. [Yeah. Who’s this? What can I do for you?] I smirked. “Really? You’ll do anything for me?” Sandaling nanahimik ang kabilang linya. [Who are you?] biglang sumeryoso ang boses niya. I pouted. “Ouch! Hindi mo na agad makilala ang boses ko? Isang taon lang ang nakalipas?” I dramatically said. [Ms. Jade?] Bigla akong natigilan sa itinawag niya sa’kin pero mas pinili ko nalang isantabi iyon. “Yeah. Surprise, babe?” [Tss. Babe you face. What do you want? And where the hell did you get my number?] Natawa ako. “Hinay-hinay lang. Halatang miss na miss mo ‘ko ah,” pang-aasar ko. [I’m asking you.] I pouted. “Kung gugustuhin, may paraan para makuha ang isang bagay.” [What do you want?] he asked, halata ang inis sa boses. Kailan ba niya ako kakausapin ng matino? Nakaka-hurt na ng feelings ha! “You,” I said without hesitation. [You can’t have me.] I bit my lower lip to stifle my smile. “Who said I can’t? Hindi ikaw ang magdedesisyon sa dapat kong gawin. Gagawin ko kung ano ang gusto ko, and no one can stop me just to have you. Gets mo?” [Tch. You’re crazy.] “Grabe ka naman! Sa’yo lang naman, hehe.” Inipit ko ang ilang takas na buhok sa aking mukha mula sa likod ng aking tenga. [Hindi pa ba malinaw sa’yo ang mga sinabi ko? Hanggang kelan mo ba ako balak guluhin?] inis niyang tanong. “Until you come back to me.” Biglang nanahimik sa kabilang linya. Sumeryoso ang mukha ko. “Hindi mo ako magagawang ipagtabuyan sa simpleng mga salita mo lang. Akala mo nasaktan ako sa mga sinabi mo?!” Bigla akong natigilan. “W-well, slight lang. Pero hindi ako susuko ng ganun kadali, narinig mo?” Wala akong narinig na sagot sa kabilang linya. “And one more thing. Don’t block my number or else—“ [Or else what?] he cut me. I smirked. “You might not want to see me in front of your house one of these days, right babe?” ani ko na may halong pang-aasar. Magsasalita pa sana ako pero bigla ko nalang narinig na wala na akong kausap sa kabilang linya. Biglang naglaho ang ngiti sa labi ko at inis na napatingin sa phone. “Bastusan?” inis kong bulong. Padabog kong inilapag ang phone sa aking gilid at ibinagsak muli ang sarili sa kama. “Kalalakeng tao, pabebe..” napapanguso kong reklamo. Kinapa ko sa kama ang remote at nagpasyang manood nalang ng telebisyon upang maibsan ang inis na nararamdaman. Baka kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko at talagang totohanin ko ang sinabi ko kanina. Halos ilang beses na rin akong nagpapabalik-balik lang sa mga channels dahil hindi ako makahanap ng magandang panonoorin. Anong araw ba ngayon? Bakit walang magandang palabas?! Tinigilan ko na ang paulit-ulit na pagpindot sa remote. I was about to turn off the tv when something caught my eye. Matagal akong napatitig sa telebisyon kung saan ipinapalabas ang isang cooking show. I tilted my head a little and my eyebrows furrowed. Seconds later, I just found myself smiling like an idiot when something suddenly came up to my mind.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD