Chapter 28.1 Dead-end “Nagugutom ka na ba?” tanong ko sa kaniya pagdaka. Isang mapaglaro ngisi ang binigay niya. “Oo. Sa `yo,” malat na bulong niya pagsubsob sa leeg ko. Hinigpitan niya ang pagkakapulupot ng kani yang bisig na nakapatong sa aking tiyan at rinig kong sinisinghot-singhot niya ako na tila’y isang mabangong bulaklak. Kahit na para akong nalalango sa ginagawa niya ay nanlaki ang mga mata kong napatitig sa kaniya. “Irwin!” mahinang saway ko at nag-init ang pisngi. Pero patuloy lang siya sa ginagawa niya at pakiramdam ko ay lalo akong mababaliw lalo na kung paano niya padaanan ang kaniyang ilong mula sa aking leeg pataas sa aking baba. Sa ginagawa niya iyon ay nararamdaman kong may matigas na tumutusok sa pagitan ko. Halos lagnatin na ako lalo na noong nanunuyang nilalapit

