Chapter 32 Announcement Naging abala kami ni Irwin kinabukasan. Buti na lamang at Sabado na, kaya’t may araw na kami upang ipahatid sa kanilang lahat ang magandang balita sa aming dalawa. “Are you feeling nervous, my mademoiselle?” bulong niya nang nasa hardin kami ng mga Herrera. Kaya kami narito ay dahil hinihintay namin na mabuo ang lahat ng pamilya ni Irwin. Ang kaniyang ama na lang ang kulang at ibubunyag na namin ang lahat ng itinago namin sa mahabang panahon. Binalingan ko siya at umiling. Nginitian ko lamang siya. “H-hindi naman, mahal ko.” Napahaplos ako sa aking lalamunan. “Irwin, makikisuyo sana ako ng tubig.” Mabilis siyang tumayo. “Okay. Just wait me here, all right?” Nang tinanguan ko na siya ay iniwan niya ako roon. Nilakbay ko ang aking paningin sa kanilang hardin. Na

