Chapter 49.1 I Love You, Too Simula nang magising si Irwin ay panay siyang kinausap ng lahat. Katulad ng inaasahan, malaki ang galit at sama ng loob ng kaniyang ama nang malamang nagpakamatay siya. "Don't do that again, Irwin. Ikakamatay ko'ng ginagawa mong 'to, alam mo ba?" nagngingitngit na sita ng kaniyang ama. Nakatungo naman si Irwin at napanguso. Marami pa rin siyang mga sugat at pasa sa iba't-ibang parte ng kaniyang katawan. Pinakamalaki na yata iyong nasa bandang kilay niya. The doctor told us that maybe it's the debris from the broken shield of his car. Mabuti na lamang at hindi tumama talaga sa kaniyang mga mata. The doctor also said that he will have a hard time to walk normally dala ng pagkakaipit niya sa kotse. Mabuti na lang daw at hindi nahantong sa pagkapilay ang nangy

