Chapter 50.2 Akin Ka Lang Nang makarating kami sa labas ay agad na sumulpot ang Land Cruiser ni Irwin na naka-park sa isang tabi. Daglian niyang binuksan ang pinto ng kotse at walang habas na tinulak ako sa loob. Hindi ko na halos mahanap ang aking boses sa bilis din ng lakad ni Irwin! Padabog niyang sinarado ang pinto at mabilis na tumakbo sa sa driver's seat. Nilinga ko ang buong kotse. Nalaglag ang panga ko nang walang driver! How did Irwin fly himself towards here! Napalingon lang ako sa kaniya nang malakas niyang sinarado ang pinto niya. Nanlamig pa ako nang marinig ko ang tunog ng locks! Nang buhayin niya ang kotse ay agad akong nagtanong. "I-ikaw ang nag-drive?" laking-gulat kong tanong. Ang loko, hindi man lang ako sinagot. Pinaharurot pa ang kotse na halatang nagmamadali tal

