Chapter 44.2 Are You Done? Nangangatog man ang mga tuhod, tinulak ko ang aking sarili patungong Conference Room. Sa loob ay nabanaag ko agad mga bisita na nakasuot sa kanilang black suits at black slacks. Kami lang ni Jason ang naiba sapagkat naka-uniporme kami ngayon pang-Fujiwara. Ginagawa kasi namin itong tradisyon tuwing may bisita. Upang madala namin ang pangalan ng kompanya. Nang tumungo ako sa unahan ay nasa gilid ko ang team ng HCTC at ang CEO ng MRE na si Sir Teodoro. They were all serious as they look on my hard copies. No'ng isang araw ko pa kasi na-print ang ginawa ko sa USB. Kaya, mabilis ang distribution sa kanila. Kaso, iba pa rin ang nasa soft copy ko. Naro'n kasi ang lahat ng information. Their cold stares sent goosebumps all over my body already. Relax, Melissa, rel

