Chapter 43 Wala Na Akong Maibibigay "Bakit ang tahimik mo, cielo?" Kanina pa ako kinukulit ni Jason kung bakit ang tahimik ko. Ginugulo kasi ako ng nangyari matapos kong marinig kay Vladimir na birthday pala ni Irwin noong nakaraang araw. Ayoko mang makonsensya ngunit hindi ko maiwasan. He tried contacting me the last time and I did nothing but to ignore him. I admitted that I've already forgot his birthday. I decided to be like that for me to easily move on. Ni sa hinagap ko nga'y hindi ko inaasahan na magkikita kami uli ni Irwin kahit na nakakaramdam ako na maaaring mangyari iyon. Ngunit para saan ang mga nabasag noong nakaraang araw? At para saan ang pagsigaw nang ganoon ni Vlad? Tipid na ngiti lamang ang ibinigay ko kay Jason. "Wala naman, Jason. Masyado lang masakit ang ulo ko."

