Chapter 40 Ring My jaw almost dropped when I saw different flowers in my child's grave again. Kulang na nga lang ay magpatayo na yata rito ng flower shop sa puntod ng anak ko. I don't need to think who made all of these. It's Irwin. Pagkatapos ng nangyari sa amin no'ng isang araw, napapansin ko na ang malinis na puntod ng aking anak at ang paglagay ng iba't-ibang uri ng mga bulaklak dito. No'ng una talaga, nagtataka ako kung sino'ng may gawa noon. Hanggang sa nakausap ko ang Utility Staff ng mismong punenaryang ito. Anila, may isang mayamang lalake raw ang matiyagang pumupunta rito sa madaling araw upang linisin ang puntod ng aking anak, mag-iwan ng mga bulaklak at magdasal nang taimtim sa harap nito. Aminado ako, kinukurot ang puso ko sa tuwing naiisip ko na talagang nagbubuhos siya n

