Chapter 25

4820 Words

Chapter 25 Truth Hirap akong imulat ang aking mga mata. Nang iginala ko ang aking paningin sa pamilyar na kuwarto ay bumangon na ako. Hindi pa ako nangangahalati sa pagmamasid ay napahawak ako sa sentido kong nagpipintig. Napapikit ako sa umaalon kong paningin. Damn, hang-over sucks! Nanigas na lamang ako nang pumasok sa loob ng aking kuwarto si Tita Agnes bitbit ang yerong planggana at bimpo na nakapatong sa labi nito. Rumehistro ang ginhawa sa kaniyang mukha nang makita sigurong gising na ako. Naramdaman ko ang paglubog ng aking kama pagkaupo niya. “Mabuti naman at gising ka na, Melissa,” sambit niya habang isinasabit ang hibla ng aking buhok sa tainga. “T-Tita, a-ano po’ng nangyari?” batid niya ang kuwestiyon sa mukha ko pa lang. “P-pa’no po’ng nandito na ako?” malat ang boses ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD