"Mahal na mahal ka ni Kuya, Jeric. Bagamat magkatunggali kami sa pagkamit ng iyong pag-ibig subalit ako pa rin iyong naging sumbungan niya sa mga panahong nahihirapan na siyang pigilan ang nararamdaman niya para sa'yo. Una mo siyang nakilala bilang isang tigasin at masungit na tao. Pinakitaan ka niya ng kagaspangan ngunit sa loob niya ikaw ang kahinaan niya. Hindi ko naiintindihan nang una ang pamamaraan niya. Kapag nagmahal ka, gagawin mo ang lahat para sa ikabubuti ng taong iniibig mo na siyang taliwas sa mga ipinapakita at pinaramdam niya sa'yo noon. Subalit sa paglikwad ng panahon, naiintindihan ko rin siya. Mahirap para sa isang lalaking ipinanganak na straight na mahulog ang loob sa kapareho niya ng kasarian. Para iyong sakit na hindi nagagamot. Mistulang sumpa na kahit na sinong alb

