Chapter 13: Sarili NAGING masaya at sobrang napaka-memorable ng buong isang linggo ni Hezekiah habang namamalagi siya sa probinsya ng Bohol kasama ang pamilya ni Jonito na kayang tinuring na ring pangalawang pamilya. Gustuhin man niyang manatili pa ngunit hindi na pwede. Kailangan niyang sundin ang kanyang sarili sapagkat ito ang pangarap niya noon paman. Ang masugpo ang malaking sindikato ng bansa. Sobrang napaka-panganib ang gagawin nila ni Jonito ngunit nakahanda na sila sa maaaring mangyari. Hanggat maaari ay walang mapapahanak sa kanila sapagkat buhay nilang dalawa ang nakataya rito. Habang nasa eroplano ay hindi na niya masiyadong naiiisip si Denzel. Kung saan magiging masaya ang babae ay doon na ito. Sa ngayon ay hindi na muna niya iisipin ang mga taong nagdulot sa kanya ng saki

