Chapter 101: Gulo sa Isipan ILANG araw na ang nakalilipas ngunit hindi pa rin maalis sa isipan ni Denzel ang mga nangyari noong na sa mall sila. Gabi-gabi ay binubulabog siya ng mukha ni Hezekiah at nang batang dala nito. Wapa pa rin siyang maalala ngunit sa tuwing naiisip niya ang dalawa ay nagiging masaya siya at pakiramdam niya ay matagal na niyang kasama ang mga ito. Kung hindi lang sana nasunog ang kanyang mukha ay makikilala siguro siya ng lalaki ngunit huli na ang lahat. Napasinghap siya habang iniisip kung paano niya kukumbisihin si Hezekiah at saan naman niya hahanapin ang lalaki? Wala siyang ideya kung saan ito at aksidente lamang ang kanilang pagkikita sa mall. “Sobrang mapaglaro ang tadhana. Kung kailan abot kamay na kita Hezekiah ay saka pa nasunog itong aking mukha. Bakit

