Chapter 81: Tulong na Pagbigay HALOS maubos nila ang lahat ng pagkaing inihanda sa mesa dahil sa sobrang gutom. Sobrang sarap din ng kanilang pagkain kaya ganoon na lamang sila kaganadong kumain. Medyo nahiya pa nga sila dahil sa maliit lang ang nakain ng mag-asawa. "Nabalitaan namin kanina na may hinahanap kayong nawawalang babae," wika ng ginang sa kanila matapos nitong uminom ng tubig. "Ganoon na nga po. Hinahanap namin ang ina ng aking mga anak. Nawala siya noong nakaraang linggo pa. Karagsagan noon ng malaking bagyo kaya naanod siya." "Kaya pala, impossibleng nang may buhay sa ganoong sitwasyon pero malay natin. Kailangan lang nating magtiwala sa Diyos," wika ng matandang lalaki. "Hindi na iba sa amin na may mapapadpad na tao dito sa aming isla at sa iba. Karamihan sa kanila ay p

