Chapter 78: Hindi Pagsuko KAGAYA nang sinabi ng matanda sa kanila ay magpapadala ito ng tulong kagaya ng kanilang pinag-usapan. Kaagad na ring sinabi ni Hezekiah ang mga plano. Mukhang mababait naman ang ipinadala at wala ni isa sa mga ito ang kanilang nakaaway noong isang araw. At si Joemar na rin ang nagsabi na mga mababait ang mga iyon. “Mukhang mapaparami ang lulutuan ko ngayon simula sa araw na ito, ha?” natatawang wika ni Joemar sa kanila nang lumabas na ang mga lalaki sa bahay. Babalik ang mga ito mamaya upang uumpisahan na nila ang paghahanap. Kaagad na ring na kumontak si Boyet sa Hideout upang magpadala ng karagdagang speed boat upang masakyan ng iba. Napagkasunduan nila na sa oras hindi makita si Denzel sa mga islang kanilang pupuntahan ay iyon din ang huling pagtulong ng mga

