Chapter 27: Plano HINDI sukat akalain ni Hezekiah na wakas ay nagkaroon na sila ng lead kung saan nga ba naka-base ang Skull. Labis silang nagpapasalamat kay Boyet na siyang tumulong sa kanila. Hindi nila inasahan ang pag-contact nito sa kanila ang pangunahing lugar kung saan mismo nadukot si Crim Carl at dinala ito sa lugar malapit sa tribu. “Kailangan nating lumuwas pa Mindanao, Jonito” Walang pagdadalawang isip na wika niya sa kaibigan dahil ito na ang kanilang pinakahihintay. Malapit na silang mag-isang tao misyon ngunit wala pa rin. Ngayong dumating na ito ay hindi pwedeng palampasin ang ganitong magandang balita. “Hindi ba natin pwedeng pag-isipan muna? Msiyadong mapanganib kung pupunta tayo kaagad roon. Sa lugar na iyon dinukot si Crim Carl at baka kontrolado ng Skull ang Mindana

