Chapter 75: Ang Paghahanap ng Kasagutan PINAGMAMASDAN ni Hezekiah ang laot na kung saan huli niyang nakita ang pinakamamahal na babae. Ang buong akala niya ay magkakasama na sila ni Denzel kasama ang anak ngunit sadyang mapagbiro pa rin ang tadhana sa kanila. Hindi nila inasahan na mayroon palang malaking bagyo na dumating sa araw na iyon. Kung may pagkakataon lang sanang tumalon siya sa dagat at mayakap ang babae ay kanya na iyong ginawa. Sobrang laki ng galit niya kay Crim Carl na noong araw din iyon ay nakatakas ang gago. Natunton nila ang isla na kung saan pinagtaguan kay Denzel. Wala nang mga tao roon at tanging mga pagkain ay undeground generator lang ang nandoon. Iniwan na din nila kaagad ang isla, bago pa niyon ay pinasabog ni Hezekiah ang bahay dahil sa kanyang galit sa lalaki

