Chapter 18: Kapatid na Babae HINDI maitatanggi ni Hezekiah na kinakabahan siya sa kanyang balak na mag-post. Iwan ba niya, unang beses niyang gawin ito at ibahagi sa ibang tao ang kanyang pinakaunang kaibigan. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon kung sino man ang makababasa niyon ngunit wala na siyang pakialam pa. Maybe wala na itong kwento para sa batang babae na iyon ngunit para kay Hezekiah sobrang napaka-importante na malaman niya kung sino iyon dahil ito ang nagpapasaya sa kanya sa kabila ng lungkot at sakit na kanyang nararamdaman. Natapos niya ang caption at tila nagdadalawang isip pa siya na i-post iyon kasama ang kanyang larawan. Ngunit sa tingin niya ay wala naman iyong problema pero hindi lang talaga siya sanay. Kumuha na muna siya ng malalim na hininga at pagkatap

