Jake's POV Hindi ko akalaing maduduwag ako na kalabanin sila. Gusto ko sanang sumali kanina kaya lang mas mapapadali siguro ang pagkapanalo ko kapag konti nalang kaming kalahok sa larong ito. Sa tansya ko'y nasa lima na lang kaming natitira. Hindi ko alam kung nasaan ang tatlo ngunit ang isa'y pinagmamasdan ko sa mga sandaling ito. Si Augustus at ang opposite niya. May tuwa sa mga labi nila habang nakatingin sa bangkay ni Shanna. Wasak na ang mukha nito dulot ng fourfinger na ginamit nila rito. Hindi na ito makikilala pa ng iba kung sakali mang makita man nila. Kaawa-awang babae. Ang maganda niyang mukha, wala na. "Aatakihin na ba natin sila?" tanong sakin ng opposite ko. Lumingon ako sa kanya at binigyan ko siya ng isang makabuluhang ngiti. Ngumiti rin siya. Mukhang nakuha niya ang ib

