Krylle's POV Napapitlag ako nang makitang pasugod na sakin ang dalawang Hailey. Naalerto ako bigla maging ang opposite ko. Napaatras kami at agad na nailagan ang pag-atake ng dalawa. Kinabahan ako na labis kong ikinainis. Hindi ako dapat matakot sa kanila. Matagal na akong masama ngunit tinalikuran ko na iyon. At ngayon, mukhang kailangan ko na namang ibalik ang kamalditahan ko. Papatayin ko sila. "Mamamatay ka na, Krylle." Nginisian ko lang sila at kita kong napikon sila sa ginawa kong iyon. Natawa lang ang opposite ko. Tinitigan ko lang siya ng matalim bago muling ituon ang atensyon ko sa katunggali namin. "Mga bruha," bulong ko at mahinang tumawa. Kami naman ngayon ng opposite ko ang sumugod. Habang hawak ang mga weapon o kagamitan na gagamitin namin, hindi maalis ang ngiti sa labi

