"Parang awa mo na. Ayoko nang tumuloy sa kontrata," iyak ng matandang lalaki sa binatang nakatayo mula sa malaking bintana ng grandiyoso nilang mansion. "You called me." Marahang gumilid sa kanya ang mga mata ni Azrael. "Your greed called me and your selfish heart told me your deepest, dark desires. I offered you a deal and you gladly took it. You even signed it with your blood." "Nagsisi na ako! Nagsisi na ako sa lahat!" "PUTA KA! Hindi ako pari para pagkumpisalan mo." Bumaba siya mula sa eleganteng baitang ng marmol na bintana at nilapitan ang nakaluhod na matanda. "You get what you wanted. You better pay it with your soul." "K-Kung gusto mo, isasauli ko sayo lahat... LAHAT-LAHAT! kahit ano basta huwag mo lang kunin ang kaluluwa ko!" "Sige." kibit-balikat niyang sagot saka tusong

