Chapter 2

2766 Words
Isang sikat na fashion model ang natagpuang patay sa loob ng VIP room, matapos ang isang prestihiyosong fashion gala na ginanap kagabi sa Midas Grand Hotel. Sinubukan naming kapanayamin ang pamilya ng biktima at mga pulis na nag-iimbestiga sa naturang kaso, ngunit hindi sila nagpaunlak ng panayam at sinabing kasalukuyan pa nilang tinitingnan ang kaso. Namatay ang malaking LED T.V. na kasalukuyang nagpapalabas ng local news. Saka pabalibag na humagis ang remote control nito sa gitna ng mahabang table. Natahimik tuloy ang sampung katao na nakaupo roon at napatingin sa matandang lalaki, habang padabog nitong inilipag isa-isa ang mga papeles na kanyang hawak. "May panibago na namang kaso. Hindi pa nga nareresolba 'yong tatlumpu't tatlong iba pa." Napailing ang matandang lalaki saka bagsak ang balikat na naupo sa itim na swivel chair na nasa sentro ng mahabang lamesa. A young police woman cleared her throat. "That makes it thirty-four, Sir." Confidently holding a stack of files, she stood up and approached the Chief of Police. Her eyes, determined. Her posture, fierce. She looked formidable in her blue police uniform, along with those three stars adorning her shoulders. "Hernandez, please present your report." Kaagad namang tumango ang dalaga. "Ayon po sa clinical autopsy, basta na lang daw huminto ang ang t***k ng puso ng biktima," paliwanag nito habang pinipresinta ang mga dokumento. "May medical history ba ang biktima?" None,Sir. Even the pathologists were baffled by the results. There were no signs ofintoxication or abnormalities in her coronary system. For some unknown reason,her heart simply ceased to beat," Bahagya siyang napatigil saka muling tiningnan ang matandang hepe. "Kagaya po ng mga naunang kaso... namumuti rin po ang mga mata ng biktima." Hindi tuloy mapigilan ng matanda na mapabuntong-hininga. "Eh, 'yong report ng SOCO?" "Sir, natagpuan po 'yong katawan ng biktima na nakasalampak ng upo sa tapat ng vanity mirror," paliwanag ng isa pang pulis, saka iniabot ang mga kuha mula sa crime scene. "Nakalislis po 'yong blusa ng biktima at nakalabas ang 'yong dibdib. Natagpuan naman po sa sahig 'yong palda ng biktima at nakababa po sa hita 'yong underwear niya," dagdag pa nito. "No cuts, no bruises?" "None, Sir. According to the autopsy, she did have s*x before she died. Pero wala pong nakitang kahit anong senyales na pinwersa ang biktima," sagot ni Hernandez. Lalo tuloy kumunot ang noo ng matandang kausap. "Nireview niyo ba 'yong mga CCTV footages sa area?" "Yes, Sir. Pero static feed lang po 'yong narecord na footages no'ng mga oras na 'yon." The old man loosened his tie and unbuttoned his collar. "No fingerprints, no traces of semen? No, nothing?" He took a deep sigh. "How about the saliva swabs? Lumabas na ba 'yong resulta ng DNA?" "Opo, Sir. Pero DNA lang din po ng biktima ang lumabas sa test." Halos napapikit ang lahat no'ng marahas na hampasin ng hepe ang lamesa. "So anong ibig ninyong sabihin? Na nilaro niya lang ang sarili niya at bigla na lang siyang namatay ng gano'n-gano'n na lang?" "Iyon nga po nakakapagtaka, Sir. Tiningnan din po namin ang mga kamay at daliri ng biktima, pero malinis po siya. Wala rin pong natagpuan na kahit anong s*x toy, gadget o kahit na anong bagay na maaari niyang gamitin. Para po siyang..." Napatingin ang matandang hepe sa bagitong pulis. "Parang ano?" Alanganin pa itong tumingin sa hepe. "Para po siyang nakipag-s*x sa multo." "Dont give me that bullshit!" The old man's voice roared across the room. "Yan ba ang gusto niyong sabihin ko sa bawat pamilya ng mga biktima at sa press? Baka pare-pareho tayong masisante sa trabaho!" Ngunit napatigil ang lahat at napatingin sa pinto, matapos makarinig ng sunod-sunod na pagkatok mula rito. Marahang bumukas ito at isang matikas na lalaki ang bumungad dito. He's wearing a white, slim fit long sleeves that is neatly tucked around his waist and a silver police badge necklace dangling on his chest. He stood more than six feet tall and has a well fit body that suits a respectable policeman. He has a thick, yet well-shaped eyebrows that matched his cinnamon eyes. A smooth, chiseled face and perfectly styled hair completed his polished appearance. His eyes met the old man's gaze. He immediately raised his right hand and gave him a dignified salute. "Police Inspector Gio Lucero, reporting for duty, Sir." Napangiti kaagad ang matanda no'ng marinig ang pangalan nito. "Sakto ang dating mo." Nilingon ng matanda ang dalagang pulis na katabi, saka mariing tinapik ang balikat nito. "Senior Inspector Hernandez here and her team is presenting the hard facts of the case. I believe you were also following this case Detective Lucero?" "Yes, Sir," mabilis nitong sagot. Hindi na nagaksaya pa ng oras si Gio at kaagad ipinresinta sa hepe ang mga dokumentong hawak. "Sa trenta'y tres na mga babaeng misteryosong namatay, siyam doon ay nakitang may kasamang lalaki ilang oras bago naganap ang insidente. At ang parehong taong 'yon ay nakita rin kasama ng kasalukuyang biktimang si Mixie Danielle bago siya namatay." Mabilis na napatingin ang lahat sa kanya matapos marinig ang kanyang sinabi. "At sino itong tinutukoy mo, Lucero?" tanong ng hepe. "Si Alexiel Frey, isang sikat na fashion model." Mabilis na napuno ng bulong-bulungan ang buong meeting room. "But Police Inspector Gio Lucero, we can't link someone to the case just because he was seen talking to the victim before she died, " Hernandez reiterated. "You're very much correct ." He quickly countered. "But we can't disqualify him either as a person of interest just because we lack evidence as of now." Marahan niyang tinitigan si Hernandez at napangiti, saka nilingon ang iba pang mga kasamahan nito. "Hindi ba 'yon naman ang trabaho natin bilang mga imbestigador? Ang maghanap ng ebidensya. Hindi naman tayo puwedeng tumunganga na lang at maghintay ng susunod pang biktima." Nahagip ng kanyang paningin ang larawan ng patay na biktima na nakasalampak ng upo sa upuan. Gio can't help but smirk while he tapped his finger on the picture. "Just look at her, hindi ba mas mukha siyang binalibag sa upuan kaysa namatay lang ng kusa?" Diskumpiyadong nagkatinginan ang mangilang pulis na naroon. "Pabida rin ang isang 'to eh no? Por que galing ng ibang bansa, akala mo kung sino..." "I totally agree with Police Inspector Lucero." The Chief of Police interrupted. "We should look at the other possibilities of the case." Kaagad nilingon ni Gio ang kanilang hepe at napangiti. "With all due respect, Sir. Gusto ko po sanang puntahan ulit 'yong crime scene." "Sure, Inspector Lucero. I'll be looking forward for your report." **** Prenteng nakaupo si Alexiel sa eleganteng upuan na yari sa narra na nakapuwesto sa sentro ng malawak niyang silid aklatan. Inilapag niya ang mangilang libro na kanyang napili sa katabing lamesita at pinagmasdan ang luntiang hardin mula sa malapad na salaming bintana. This is indeed his favorite spot, where he can relax and unwind after his whole f*****g-soul-eating-business. Bawat kanto ng silid ay napalamutian ng iba't-ibang antigong mga gamit at mga librong maayos na nakasalansan sa naglalakihang mga bookshelf. Aside from f*****g women, Alexiel likes to read and drink coffee. Two things that he should be thankful to humans. He grabbed his warm cup from the table and put it on his lips. Just when he was about to take a sip, the whole place turned pitch black and an evil blood-curdling sound of slow breathing ran across the entire room— its not his room anymore. His fiery red eyes glowed amidst the darkness and six men dressed in black regal robes, seated on high mighty thrones appeared before his very eyes. Their eyes glowed like Alexiel's but differ in color. All good-looking in their own devilish way, but possesses the same sinister glint in their eyes and vicious grins. "We've been summoning you." A deep baritone voice echoed in the infinity of darkness. Pero hindi sumagot si Alexiel. Sa halip, ay maangas pa itong dume-quatro at walang ganang sumandal sa upuan habang nakangisi sa anim na kalalakihang kaharap. "Turpis lucri bastardis!" sigaw ng binatang nakaupo sa trono sa dulong kaliwa. Alexiel smirked. "After calling me a filthy bastard, do you think I gonna come down here and chill with you guys?" Mapanuya niyang tinitigan ang mga lalaking kaharap, saka muling inilapit ang tasa ng kape sa kanyang mga labi. Mabilis na ikinumpas ng binatang nakaupo sa sentrong trono ang kanyang malalantik na daliri at bigla na lang naging malapot na dugo ang mainit na kapeng iniinom ni Alexiel. Muntik tuloy siyang masamid. "Haay... Putang-ina naman eh," angil niya saka matiim na tinitigan ang nakangising binatang may mahabang itim na buhok. "Ilang beses ka naming inanyayahan para dumalo sa pagpupulong pero hindi ka sumasagot." "Hindi ba't ilang ulit ko na rin namang sinabi sa inyo na ayokong makihalo sa kongregasyon?" "Kahit anong tanggi mo sa iyong tungkulin ay parte ka pa rin ng kongregasyong ito. Isa ka sa amin, Alexiel. Huwag na huwag mong kalilimutan iyan." singhal ng lalaking nagsalita ng latin kanina. Alexiel rolled his eyes. Buong-umay siyang tumango-tango saka tamad na sumandal sa upuan. "Oh siya, ano na? Para makalayas na kayo at makapagkape na ako." "Someone very rare appeared on the pits of hell yesterday and it caused ruckus amongst our kind," said the demon with long black hair and cat-like purple eyes. Natahimik si Alexiel at seryosong napatingin sa lalaking nagsalita. "A beautiful, young demi-succubus came into our realm." "Succubus?" Halos malamukot ang kanyang mukha at asar na natawa. "Puwede ba, Belial? Kung nagpunta lang kayo dito para magkuwento tungkol sa chics ninyo— Hindi ako interesado." "Naiiba siya, Alexiel," pangungumbinsi nito. "She has these captivating, luscious scent that can drove a whole army of demons chasing after her. Even the elders of darkness and other deities can't help but turn their heads just to have a glimpse of her. Everybody wants to taste her. So, we have to seclude her inside a protective orb, so that no one can touch her." "Oh tapos?" Walang gana niyang tanong sa mga 'to. "Ano naman ang kinalaman ko dito?" "You're the only one who have the skill to nullify her scent." Belial said. "Makinig ka Alexiel," wika ng isa pang binata na nakaupo naman sa kanan. "Anak siya ng isang incubus at isang anghel. Lumaki siya sa puder ng kanyang ina sa langit at hindi siya sanay sa mundong ginagalawan natin...." "Aba, hindi ko na kasalanan kung may pagka-tanga siya," sabat niya. "Biruin mong nasa langit na siya bumaba pa siya sa impiyerno?" "Dahil nga humantong na siya sa hustong gulang," paliwanag ng isa pang binata na nakaupo sa kaliwa. "Alam naman natin lahat na humihinto sa edad bente-nuebe ang isang Incubus at Succubus. At sa pagsapit ng edad na ito ay dapat makapag-kunsumo na siya ng kaluluwa ng isang tao para maging isang ganap na Succubus at maging imortal." "Oh eh, anong problema?" Nagkatinginan ang anim na binata. "She hesitates to consume a human soul." Umalingaw-ngaw ang sarkastikong tawa ni Alexiel sa gitna ng kadiliman. "Ngayon lang ako nakakita ng demonyong nagha-hunger strike." "Lumaki siya sa puder ng mga anghel, ano pa bang aasahan mo?" sabat ng binata sa dulo. "Kapag nagmatigas siya at nagpatuloy sa pagtanggi sa pagkunsumo ng kaluluwa ng tao ay manghihina siya at maaari niya itong ikamatay. Isang malaking kawalan iyon para sa lahi natin." Sabay-sabay silang tumango, bilang pagsang-ayon -maliban kay Alexiel, "Naisip niyo ba kung gaano karaming kaluluwa ang kayang akitin ng dalagang ito ng isang bagsakan lang? Isang malaking karangalan ito para sa lahi natin. Siguradong ikatutuwa ng hari ng kadiliman na mas marami tayong kaluluwang maililihis ng landas, kumpara sa ibang kampon." Matiim siyang tinitigan ni Belial. "Gusto naming gabayan mo siya." Alexiel's brow slowly arched, as well as his lips. "And why in the f*****g hell would I do that?" "Why not? You're the most powerful Incubus that lurks in the human realm for thousands of years. Kanino pa ba siya dapat matuto, kung hindi sayo?" "Thanks for the motherfucking compliment, but no— HELL NO!" "Alam naman naming hindi ka papayag. Kaya heto ang tanong namin para sayo..." marahang wika ni Belial. Hinawi niya ang mahaba niyang itim na buhok at isang tusong ngiti ang gumihit sa mga labi nito. "Anong gusto ng isang Alexiel Frey? Kapalit ng paggabay sa naturang dalaga at paninigurado na magiging isa siyang ganap na Succubus?" Alexiel paused for a moment and seriously looked at them one by one. As if making sure that what he heard was right. "You should have asked me that question, right from the start." A wry smile slowly crossed his lips. "I want to be a higher level demon." Sa pagkakataong ito, ang anim namang kalalakihan ang natahimik at masinsing nagkatinginan. "1,583 years of being an Incubus is enough. I want to live as an Archdemon— the apex of its kind. For sure the congregation can make arrangements with the King of Hell, right?" Alexiel asked with a lopsided grin. Sandaling nagdiskusyon ang mga ito bago muling hinarap si Alexiel. "Sige, pumapayag kami sa gusto mo." seryosong wika ni Belial. "Kung gano'n, nasaan na 'tong Succubus na sinasabi ninyo?" The young man sitting on the center throne, waved his hand and bits of glowing purple dust formed into a huge floating orb. It swirled gracefully on mid air as it slowly went down. Alexiel's eyes furrowed as it's stunning lights began to fade and an image of a young beautiful woman curled up in deep sleep, floated peacefully inside the fragile magic orb. Napaawang ang kanyang mga labi at pigil hiningang pinagmamasdan ang magandang mukha nito. Mula sa payapa nitong mga matang nakapikit, patungo sa matangos nitong ilong, ang mapangakit nitong kulay rosas na mga labi, hanggang sa makinis at mamula-mula nitong pisngi. Sinundan ng kanyang tingin magandang kurba ng katawan nito na nababalot ng manipis at kumikinang na puting tela, na banayad na lumulutang kasabay ng mahaba nitong buhok. Marahan siyang napalunok habang tinititigan ang mala-porselana nitong kutis na halos magsilbing liwanag sa gitna ng madilim at malamig na lugar na kanilang kinaroroonan. Indeed, she's the most beautiful angel Alexiel has ever set his eyes on . But she's not an angel. She is a Succubus. A female demon that cast dangerous seductive spells to lure men, including him— including all of them. Alexiel quickly brushed off the idea and gladly went on with his usual stone-cold face. My greed is ten times greater than my d**k! "Okay, viewing time is over!" Mariing pumalakpak si Alexiel at parang nagising mula sa magandang panaginip ang mga binatang kausap. "Utang na loob, pakipunasan muna ang tumutulo niyong laway at iuuwi ko na 'tong babaeng 'to." Belial looked at him and smirked. "You might wanna cover your nose." Alexiel just gave him a sharp glare and hissed. He raised his hand and snapped his fingers. The dark atmosphere quickly went out and they're back into Alexiel's house, inside his elegant library. He curled his fingers and the fragile orb shattered into crystal butterflies that slowly vanished as it flew towards the light. His fingers gently moved in the air as he carefully lay her delicate body on the floor. But his heart pounded hard, when an exuding scent of luscious roses with a hint of sweet vanilla spread across the room. The serene zephyr scent of peonies and fresh foliage that only angels possess. But hers is different, it was a hundred folds stronger. Her scent is ethereal. Fuck... His jaw tightened and his eyes became heavy, he gripped his chair hard and his breathing became chaotic. She smells so good, so innocent, it drives him wild. He wanted to tug her close and nuzzle her neck. He wanted to get a taste of that supple pinkish lips and conquer every inch of her. His eyes changed from bright red to deep purple. Her scent was too strong, too addictive and too intoxicating, that he needed to change into his second devil form so he could resist it. Huminga siya ng malalim saka umayos ng upo. Hinawi niya ang kanyang buhok at sumandal sa upuan habang kinakalma ang sarili. So this is the dangerous scent they were talking about... Ngunit mabilis na nalihis ang kanyang atensyon, no'ng mapansin ang unti-unting pagmulat ng mga mata nito. Her eyes roamed around, looking totally confused. Until her beautiful angelic eyes met his cold, dark stare. Alexiel tilted his head. "What's your name?" His deep voice echoed across the room. Her beautiful brown eyes glimmered with tears as she gazed upon his devilish deep purple eyes. Her lips suddenly moved. "Liliana..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD