CHAPTER 3
Like
Prente akong lumabas ng canteen na tila wala lang sa akin ang nangyari. Ramdam ko ang pagsunod ng mga tingin sa akin ng lahat ng nakakita pero hindi na ako nagkaroon pa ng pakialam.
Ever since I was young, that was the thing I was trying to build inside me: the ability to not give a f**k. Galing ba naman kasi ako sa pamilyang halos araw-araw, nakagagalit ang lahat. Gusto ko mang huwag sundin si Mama sa mga inuutos niya sa akin, hindi ko magawa.
So, my only choice to cope up is to practice not giving a f**k.
Nawala ako sa iniisip ko nang may marinig akong yabag na humahabol sa akin. Nang lingunin ko ‘yon, naabutan ko si Trick na medyo naghahabol ng hininga matapos niya akong sundan.
Right when he stopped beside me, he flashed a bright smile. Dahil din sa pagngiti niya, sumilay ang dalawang malalim niyang mga dimples.
“You saved me. Thanks,” aniya sa akin. “Akala ko, wala ka talagang pakialam sa kahit na sino.”
Ayos na sana sa akin ang una niyang sinabi e. Kaso ‘yong pangalawa?
Ano’ng pinalalabas ng kupal na ‘to? Na may paki ako sa kanya? Masyado namang malayo ang nararating ng utak niya kung ganoon.
“Wala naman talaga akong pakialam. Kahit sa ‘yo.” Hindi ko tuloy naiwasan ang may katalimang salita na lumabas sa bibig ko.
His smile faltered for a moment. Saglitan lang ‘yon. Tumawa siya nang mahina pagkatapos at ngumiti ulit.
“Woah. Aray naman,” biro niya. Akala niya siguro ay biro ko lang din ang sinabi ko kanina.
“Binigyan ko lang ng hustisya ‘yong pagpatak ng laway niya sa pagkain ko,” paliwanag ko naman.
Kahit ganoon, hindi na talaga natanggal ang ngiti sa labi niya. Sa pagngiti niya rin, parang medyo lumiit ang kanyang mga mata.
“Even so. Thanks.”
Wala na lang akong sinabi pa.
Bahala siya kung ano’ng gusto niyang gawin sa buhay niya.
Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad pabalik sa room. Hindi pa ako nabusog sa kinain ko kanina pero nawalan na ako ng gana dahil sa rami ng istorbo sa pagkain ko.
I thought that Trick would stop following me but nah. Hindi pa rin pala yata nasiyahan ang bunganga niya sa kadadaldal.
Sinabayan niya ang paglalakad ko.
“You were so cool a while ago.” He praised me this time.
Hindi niya man aminin, halatang-halata ko ang pagiging pursigido niyang makausap ako nang matagal.
Mukha namang iba na naman ang paraan ng pag-interpreta ko sa sinabi niya. Hindi kasi ako natuwa.
Ano’ng cool sa ginawa ko kanina? Nababaliw na ba siya?
“Dinuraan ko ang girlfriend mo,” pagpapaalala ko lang sa kanya. Parang nakalilimutan niya kasing malapit sa kanya ang dinuraan kong babae e.
“She’s not my girlfriend.” He shrugged.
Kaya naman pala. E bakit hindi siya gumanti kanina?
Imbes na tanungin siya, lalo ko na lang itinuon ang pansin ko sa daan. Baka mas isipin pa niyang interesado talaga ako sa buhay niya.
There was a moment of silence between us again. Kahit ganoon, patuloy pa rin siya sa pagsunod sa akin.
I didn’t mind the silence. Wala akong pakialam kung maging awkward pa sa kanya ang katahimikan. Hindi lang talaga ako sanay makipagkaibigan.
But he seemed like the opposite. Talagang nag-isip siya ng sasabihin at p’wede naming mapag-usapan.
“I like you,” biglang sambit niya ulit.
Kaagad tuloy akong napalingon sa kanya. Roon, nagsalubong ang tingin naming dalawa. Mukhang talagang inaabangan niya ang pagtingin ko.
His amber eyes were really beautiful. Parang hindi niya deserve mabiyayaan ng ganoong klase ng mga mata.
Kahit ganoon, hindi ko naiwasang hindi mapakunot-noo.
“‘Wag mo nga ‘kong ma-I like you-I like you. Kaya ka na-i-issue e. Dinamay mo pa ‘ko.” Sinamaan ko siya ng tingin.
Mas lalo kong napagtanto ang pagkakaiba ng pagtakbo ng utak naming dalawa nang mas lumawak pa ang pagngisi niya.
May sapak ba talaga ‘tong lalaking ‘to?
“Sorry then.”
Mahina na lang akong napabuntonghininga. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya nang mapansin ko sa malayo na may nakatingin na naman sa aming dalawa.
Habang napapalapit ako rito sa lalaking ‘to, puro gulo ang inaabot ko e.
Binilisan ko na lang tuloy ulit ang paglalakad.
“Filch, right?” pangungulit pa niya. Parang bobo lang. Paulit-ulit.
Hindi ko na siya pinansin pa. Mas binilisan ko pa nga ang paglalakad pero nakasusunod pa rin siya.
“I’m Trick.”
“Wala akong panahon sa ‘yo.” Naririndi na talaga ako sa kanya.
Manhid ba siya? O sad’yang bobo lang? Hanggang ngayon kasi, parang hindi niya mapansin na hindi ako interesado sa mga pinagsasasabi niya.
“Sungit,” mahinang bulong niya naman dahilan para pukulan ko siya ng masamang tingin.
Nagulat yata siya sa ginawa ko at mabilis napataas ang kanyang mga kamay na tila ba sumusuko na.
Depungal. Nang-iinis lang yata ‘tong kupal na ‘to e.
“‘Wag mo nga ‘kong sundan,” utos ko na lang sa kanya.
For the f*****g nth time, he laughed.
“But we’re classmates,” he reasoned out that I almost forgot.
Medyo bobo ako ro’n, huh? Magkaklase nga naman kami nitong kupal na ‘to. Kainis!
Hindi kaagad ako nakasagot dahil sa sinabi niya. Kahit ganoon, dahil sa ayaw kong magpatalo, pinanindigan ko ang utos ko.
“Kahit na. ‘Wag mo ‘kong sabayan.” Ginamit ko ang pinakamalamig kong boses para matakot na talaga siya.
He alternately looked at both of my eyes. Nang makita niya sigurong seryoso ako, roon na siya natigil.
“Alright. Chill,” aniya kahit na may nakaiinis pa ring ngiti sa labi niya. Tumigil na nga siya sa paglalakad; nakataas pa rin ang dalawang kamay niya na animo’y sumu-surrender.
Parang bobo.
Hindi ko na lang siya pinansin pa at nagpatuloy na sa pagbalik sa room.
At last, I heard him shouted at me.
“Thank you ulit!” dinig kong sigaw niya sa akin. Hindi ko na siya nilingon pa. Ang tanging naisip ko ay kung gaano siya kabobo.
Lame guy.
Though, Trick doesn’t seem like the type of guy who keeps his words, he did. Hindi niya talaga ako sinundan at hinayaang paunahin sa room. Pagkapasok na pagkapasok ko pa sa room at tiningnan kung saan ko siya iniwan, nakita ko pa siyang nangingiti mag-isa na tila ba nasisiraan na ng bait.
Napailing na lang ako.
The whole class after breaktime, while listening to our lesson, I was waiting to be summoned to the guidance office because of what I did. Hindi naman ako kinakabahan pa. Talagang pati iyon, tila nawalan na ako ng pakialam.
Hindi naman ako nagkamali sa hinala ko. Bago pa mag-uwian, may bumisita na estudyante sa akin para ipatawag ako sa office.
“Nandito po ba si Miss Damaloco?” tanong ng isang estudyanteng dumayo sa room namin. Mabuti at wala pala kaming teacher sa huling subject kaya hindi problema na ngayon ako pumunta roon sa office at makipag-usap.
“Ako ‘yon.” Nagkusa na akong lumapit sa babae. Dala-dala ko na ang bag ko dahil pagkatapos kong makipag-usap, didiretso na ako sa pag-uwi.
“Pinatatawag po kayo ng president sa office niya,” anito sa akin. Tumango na lang ako. Hindi na ako nagulat pa dahil inasahan ko na rin naman na ‘yon.
Problema na naman.
Malugod na akong sumunod sa estudyante. Bago pa man din kami makalayo sa room ko, may isang lalaki na agad na sumunod sa amin.
When I glanced in his direction, I found out it was Trick.
“I’ll come with you. Mukhang tungkol kay Stacy ‘yan,” sambit niya na mukhang narinig pala ang balita ng estudyante sa akin.
Kita mo nga naman. ‘Yong lalaking nagdala agad ng ilang kamalasan sa akin dito sa Arquero, mukhang hindi pa kuntento sa naidudulot niya. Gusto pa yatang dagdagan. Sunod nang sunod e.
Trick brought his bag with him as well. Hinayaan ko na lang tuloy. Sinamaan ko lang siya ng tingin at pagkatapos ay nagpatuloy na ulit sa paglalakad.
Bahala na nga ‘tong kupal na ‘to.
And that was what happened. Trick followed me. Nagmukha pa tuloy na nagdala ako ng resbak.
“Miss Damaloco,” The president greeted me as soon as I entered her office.
Naramdaman ko agad ang lamig na tumagos sa unipormeng suot ko dahil sa lakas yata ng aircon ng silid.
“Good day, Mrs. President,” I greeted back with respect to Mrs. Lauren. Mrs. President ang itinawag ko sa kanya dahil nasa school niya kami ngayon.
She nodded at me.
Nang muling magbukas ang pinto at iniluwa si Trick, nagulat ang iba pang kasama ni Mrs. Lauren sa silid.
“Trick?” pagtawag ni Stacy sa kasama ko. Bakas ang gulat niya. Hindi niya siguro inasahan na susunod ang tukmol na ‘to sa akin.
Stacy was with another woman that I bet her mom. Ang sama agad ng tingin sa akin ng ginang, kapapasok ko pa lang sa silid.
“What are you doing here, Trickson?” tanong naman ng presidente sa kasama ko.
“Tita.” Imbes na sagutin ni Trick ang tanong ni Mrs. Lauren, talagang tinawag niya lang ito.
“Talagang nagdala ka pa ng kasabwat, babae ka?!” Gaya lang ng hinala ko, iyon ang naisip ng babaeng kasama ni Stacy.
Sa kabila ng galit na tono niya, hindi ako nagpakita ng kahit anong takot.
“Let’s stay calm, Mrs. Perico. Let the children sit first,” The president uttered politely. Wala rin namang nagawa ang ginang kung ‘di manahimik sandali.
Trick and I sat on the chairs in from of Stacy and her mother. Ayaw ko sanang makatabi ang mokong na ‘to pero wala na akong panahon pa para doon lalo na’t mapagmat’yag ang tingin ni Stacy.
I’m pretty sure she would think that she was right. Na may kung ano sa amin ng kupal kahit wala naman talaga. Kung bakit ba kasi sama pa nang sama ang isang ‘to.
“Alright. Let’s start,” The president uttered when we finally settled down. “I’m sorry if I have to summon you, Miss Damaloco but Miss Perico reported about something that happened in the canteen a while ago.”
Tumango lang ako sa sinabi ni Mrs. Lauren. Sunod niyang nilingon si Stacy.
“Can you tell us again what she did to you, Miss Perico?”
Opposite of my expression, Stacy seemed tensed. Mas lalo tuloy nahalatang mas natatakot pa siya sa akin ngayon gawa ng nandito si Trick.
Hindi siya kaagad nakapagsalita at tanging napatitig lang sa katabi ko hanggang sa mag-iwas siya ng tingin. Nahalata ko rin kung paano siya nahirapang lumunok.
“W-Why is Trick here po ba?” Nervousness was evident in Stacy’s voice.
“Why? Does it bother you, ija?” Pansin ko rin ang mapanghuling tanong ng presidente.
Hindi ko alam pero nasanay na akong ganito noon pa man. Bata pa lang, kinailangan ko nang matutong kumilatis at mangmatiyag ng mga tao sa paligid ko. Kaya naman hanggang ngayon ay nakasanayan ko na rin ‘yong gawin.
“Yes… po,” may pag-aalinlangang sambit ni Stacy na hindi na rin kaya pang tumingin sa katabi ko.
Even without glancing beside me, I felt how Trick shifted on his seat. Pansin agad ang pagtutol niya at kagustuhang umapila.
“Alright. Trick, can you go outside for a moment?” tuon ng presidente sa katabi ko.
Akala ko nga ay bubulusok at magrereklamo si Trick pero gaya lang ng pagkabigla ko sa pasiyensya niya sa canteen, nakayahan niya ring pigilan ang inis ngayon.
“I’m afraid I can’t do so, Tita,” he insisted with conviction, “for I am also involved in here.”
Tita? Ibig sabihin lang, pamangkin pala siya ng presidente. Kaya pala…
Itinuon ko ang pansin kay Stacy. Mas lalong bumalatay ang takot at kaba sa mukha niya. Halatang-halata ang pamumutla niya dahil sa maputing kutis.
“Involved?” Now, her mother spoke too, defending her. “Or you’re just using your privilege as a del Grico to let this girl pass from the consequences she has to face?!”
Huh?
Awtomatikong napataas ang kilay ko sa kaagad ini-conclude ng ginang.
May pinagmanahan din pala ‘tong si Stacy e. Kung anu-ano na lang ang naiisip nilang mag-ina.
Handa na sana akong dependahan ang sarili kaso ay naunahan ako ni Mrs. Lauren.
“Please, don’t go out of context, Mrs. Perico.” The president said what I wanted to say. “We are talking about what happened a while ago here, not about anyone’s identity.”
Muling hinarap ng presidente si Stacy.
“Again, Miss Stacy Perico, tell us what you were reporting. Or if you can’t, we can just review the CCTV footage at the canteen.”
Stacy bit her lower lip.
Wala na ba talaga siyang igagaling sa pagtatago ng emosyon niya? Halatang-halata siyang kabado e.
“Go, anak. Tell them,” mahinang panghihikayat pa sa kanya ng mommy niya.
Kahit ganoon, nilingon niya lang ito.
“Let’s go, Mommy.” Her voice was like a wind by how quiet it was. Parang ayaw niya na talagang iparinig sa amin ang bulungan nilang mag-ina.
“What?!” Gaya ng inaasahan ko, hindi nagustuhan ng mommy niya ang sinabi niya. Ilang sandali itong natigilan bago muling ibinuhos sa akin ang galit nito.
“That young woman spat at my daughter’s face! ‘Wag mong subukang magsinungaling!” sigaw niya sa akin kahit hindi naman kailangang sumigaw.
Nakaririndi ang usapang ‘to. Gusto ko nang matapos agad at nang makauwi na ‘ko.
“Alright. Is it true, Miss Damaloco?” si Mrs. Lauren.
“Opo,” pag-amin ko naman.
Totoo naman kasi. Ano’ng silbi ng pagsisinungaling ko e may CCTV roon sa canteen? ‘Tsaka, wala naman akong pakialam sa kung ano man ang sapitin ko. Hindi ko pinagsisisihan ang pagdura sa mukha ng mayabang niyang anak.
Trick glanced at my direction. Siguro ay hindi niya inasahang aaminin ko nang ganoon-ganoon lang ang paratang sa akin nang walang idinurugtong na katuwiran. Kahit ganoon, hindi ko na lang din siya nilingon pa.
Opposite of his reaction, Stacy’s mother seemed to be like a dog with two tails because of satisfaction. “See?! That transferee needs to be expelled!”
Hindi pa siya nakuntento. Tumawa pa ang ginang na tila isang kontrabida.
“Stay calm,” pag-awat ni Mrs. Lauren. Kahit ganoon, hindi na naalis ang ngiti sa mukha ng ginang. “May I know why did you do so, ija?”
Nang tanungin ako ng presidente, walang pag-aalinlangan kong sinabi ang totoo.
“Natalsikan kasi ng laway niya ang pagkain ko nang dumura siya, Mrs. President,” utas ko.
“See?! She’s a psychopath.” Mas lalo pang yumabang ang tono ng ginang. Sa paraan niya magsalita, parang sarili niya lang din ang tinukoy niya. “Para sa ganoong dahilan lang?! Duduraan niya rin ang anak ko? Hindi naman yata tama ‘yon.”
She even scoffed, as if it would piss me off. In fact, I was just enjoying how foolish she acts. Minsan, hobby ko rin kasi matuwa sa mga nakatatangang tao o bagay.
“So… Miss Perico spat first based on Miss Damaloco’s statement,” the president concluded that took away Mrs. Perico’s smile. “Is it true? For what reason then?”
Hindi na naman nakapagsalita si Stacy. Para talagang nawalan siya ng sariling dila ngayon dahil laging mommy niya lang ang nagdedepensa sa kanila.
“Stop questioning my daughter,” turan naman ng mama ni Stacy, pilit na iniiwasang paaminin ang anak niya. “That wicked kid already admitted her mistake. She needs to be punished!”
“Yes, Mrs. Perico. I know that. Calm down.” The president then turned to me again to say, “I hope you know that you have to face the consequence of what you have done too, Miss Damaloco.”
“Opo,” tipid na tugon ko lang ulit.
Handa na akong matapos ang usapang ‘to kaso ay hindi ko inaasahang pahahabain pa pala ito ni Trick.
“If that’s the case, then I have to file another complaint too, Mrs. President.” He suddenly interfered.
Kahit kailan talaga, epal siya e. Ayos na e!
Talagang biglaang nagsalubong ang kilay ko sa pagsabat niya. Bago ko pa siya masita, ikinonsidera na ng presidente ang opinyon ng tukmol.
“Alright. Dahil sinabi mo rin namang involved ka kanina. Let us hear your side,” si Mrs. Lauren.
“What?!” Talagang nagulat si Mrs. Perico at handa na naman sanang umapila. Kaso ay agad nang nagsalita si Trick.
“Stacy spat on my face first before Filch did so to her. Katapat ko sa upuan si Filch kaya nadamay ang kinakain niya,” ani ng katabi ko. “I want you to consider it too, Mrs. President.”
Ang daming sinasabi! Kainis!
“Is it true, Miss Perico?” tanong tuloy ng presidente kay Stacy na halos mangiyak-ngiyak na ngayon. Hindi pa rin nito nagawang magsalita.
“T-That’s probably a lie! My Stacy won’t do that!” For the nth time, her mother defended her.
“We can check the CCTV footage, Mrs. Perico. It can prove my statement,” sagot naman ni Trick nang may paninindigan.
Napabuntonghininga na lang ako.
Bahala na nga sila.
“I’m afraid your daughter will be needed to face a consequence too if ever it is proved that she did what Trickson said, Mrs. Perico.”
Tuluyan na ngang nawala ang ngiting tagumpay ni Mrs. Perico.
“This is absurd! Kami ang nagrereklamo rito tapos pati kami, madedehado?!” paghihimutok niya na hindi inintindi ng presidente.
“Dahil pareho naman ang ginawa ng dalawang ito kung sakali, pareho rin ang parusa sa kanila. Ayos ba ‘yon sa ‘yo, Mrs. Perico?”
“That’s a dumb question, Ma’am! Of course not!” Mas lalo pang lumakas ang boses ng ginang.
For the nth time, Trick butted in. Tumayo pa siya sa pagkakataong ito. Awtomatiko naman siyang sinundan ng paningin ko.
Minsan, hindi ko rin siya mabasa e. Kanina, ni hindi niya kayang duraan pabalik si Stacy pero ngayon, kayang-kaya niyang ireklamo ito para maparusahan?
“I have a suggestion to settle this. Hear me out,” he uttered.
“Alright, Trickson.” Tumango ang tita niya. Dahil doon, nagpatuloy siya sa pagsasalita.
“Ayos lang po sa ‘kin na wala nang haraping parusa si Stacy,” aniya na mas lalong nagpagulo ng lahat sa isip namin.
Huh?
“‘Yon naman pala e—” sasabat pa sana si Mrs. Perico pero agad ni Trick ipinagpatuloy ang sinasabi.
“Kung hindi rin maparurusahan si Filch,” dagdag ng mokong bago ako nilingon.
My mouth gaped in utter disbelief. Sandali akong napatitig sa ambar na kulay ng mga mata niya bago ako nakaramdam ng kaba.
Ano raw?
-
ZiaRaegan: Good day, everyone! I just want to say that I have a new upcoming series here on Dreame named Three Stages of Love Series. Maybe a month or two, baka umpisahan ko na ring i-update ang first installment niya so I am hoping for your support for that series of mine by hearting it and adding it to your library. It will also be my first time trying that kind of genre so please bear with it. Lol. As of now, updated na ang prologue ng Inflamed Lust. :’))