Alas sais na ng umaga at nagising ako katabi si Chap. Nagising din siya noong oras na iyon at agad kaming bumangon sa higaan. Magkaharap kami ng posisyon sa kama at malapit ang mukha namin sa isa't isa. Inayos namin ang beddings niya at nag-agahan kami. Si Ate May ang nagluto ng pagkain namin bago kami bumalik sa Bangkok. Nagluto siya ng classic Western breakfast gaya ng toasted bread and scrumbled egg.
Nabusog ako nong umagang iyon at agad akong nagbihis kasi babalik kami ni Chap sa Bangkok. Mayroon siyang shooting sa studio niya kaya ako lang maiiwan sa condo nila ate May. Magpapaiwan si Ate May sa Korat at bukas na siya babalik sa Bangkok. Kami lang ni Chap ang babalik sa Bangkok at i do-drop off niya ako sa condo unit niya.
"Punta ka lang dun sa condo. Bukas na kita samahan maghanap ng apartment unit mo. May shooting kami ngayon at baka gabi narin kami makatapos. Pag maaga ako makauwi, balitaan kita agad."
"Okay Chap."
Umalis si Chap at tumungo sa kanyang station na pinag tatrabauhan. Isa pala siyang Big Star doon at marami rami na rin siyang projects na ginawa. Pinapanood ko ang mga drama niya sa bahay nila at isa talaga siyang leading man sa pelikula. Marami na rin siyang naka love team na mga babae sa industriya ng showbiz at isa na doon ang ex niya. Marami na silang Lakorn series na ipinalabas at isa siya sa mga highest paid actor sa Thailand.
Nakita ko sa kwarto niya ang picture nila ng dati niyang kasintahan na masayang naglalakbay sa iba't-ibang parte ng mundo. Hindi ko na hinalungkat ang iba niyang gamit baka magalit pa siya sa akin. Samantala, pumunta si Chap sa network niya at nag attend ng photoshoot. Kailangan niya kc i endorse yung produkto ng client niya kasi international ang may-ari at hindi pwede ma delay ang photoshoot nila. Nagawa naman niya ng mabuti at nakumbinsi ang client niya sa product endorsement.
Napaaga ang uwi niya at niresched ang fan meeting niya sa susunod na week. Bandang alas 2 ng hapon ay umuwi na ito sa condo at nagpalit ng damit. Niyaya niya ako pumunta sa mga tourist attraction sa Bangkok lalo na sa Temple of Reclining Buddha. First time ko makarating doon at magiging exciting ito kasi isa ito sa pangarap kong mapuntahan.
"Mark, wala ka naman pupuntahan diba? Gala kita sa Bangkok."
"Wala naman Chap. Oh sige, Pwede din pero bukas tulungan mo ako maghanap ng apartment ah."
Umalis kami ni Chap at nagtungo sa mga tourist attraction dito sa Bangkok. Nauna kaming pumunta sa Temple of Reclining Buddha. Isa ito sa mga lugar na gusto kong puntahan.
Naglibot kami sa buong Bangkok at nameet ko ang mga kaibigan niyang actor sa isang tv network. Nagkamustahan sila pero nahihiya ako na makilala sila dahil hindi ko sila ma reach. Nagkataon lang na si Chap mismo ay anak ng boss ko sa pinagtatrabauhan ko at isa lang ang masasabi ko: Ang gaganda't guguwapo ng mga kasamahan ni Chap sa showbiz. Dahil bisita niya ako, sinama niya ako mag lakad kasama ang mga co-actors niya at agad nila ako binati.
"Sawadeekha, what's your name?"
"Sawadeekhrap, I'm Mark from the Philippines."
"I'm Praew, one of Chap's co-actress. The guy wearing black jacket is Bank and that cutesy tall guy is Don."
"Sawadeekhrap."
Alam kong naninibago ako kasi mga big stars sila sa TV at nasa likuran lang ako sumusunod. Nahihiya talaga ako sa kanila at maraming tao ang nakatingin sa akin. Alam kong hindi talaga ako belong doon sa grupo nila. Hindi ko namalayan na inakbayan na pala ako ni Chap at nakatitig siya sa akin.
"Huwag kang mahiya sa amin. Normal lang naman kaming tao."
"Uy Chap! Parang magkapatid kayo, magka ano-ano ba kayo ni Mark?" Tugon ni Praew.
"Bestfriend kasi si Papa at Mama niya before. 25 years na rin ang nakalipas noong sila'y last na magkita." Wari naman ni Chap.
"Kaya pala. Alam mo bang habulin yang kaibigan mo Mark. Maraming babae ang nagpapa picture sa kanya. Kahit saan kaming magpunta, silang dalawa ni Bank ang hindi tinatantanan ng mga chicks."
"Praew naman. Si Bank lang kaya ang habulin, nadadamay lang ako." Tugon ni Chap na medyo naasar na.
Humiwalay na sila Bank at Praew sa amin at kami naman ni Chap ay kumain sa isang resto dito sa Bangkok. Nilibre niya ako ng favorite kong ice cream at nag-usap usap muna kami about sa lovelife ko.
"Naputol yung usapan natin kagabi. Sinayang ka talaga ng ex mo."
"Hayaan mo na iyon. Tapos na yun at naka move na rin ako ng dalawang taon."
"May picture kapa ba diyan sa cellphone mo?"
"Wala na, tinanggal ko na siya sa buhay ko. Hindi ko kailangan ng taong hindi magmamahal sa akin hanggang sa pagtanda."
"Sana makahanap ka rin ng para sa iyo Mark. Marami naman dito sa Bangkok, mamili ka lang ng magugustuhan mo. Tulungan kita."
"Nako huwag na. Hindi pa naman ako naghahanap ngayon Chap. Unahin ko muna ang trabaho ko at kailangan kong tulungan sina Mama at Papa na pag-aralin ang mga kapatid ko. Dalawa ang kolehiyo sa mga kapatid ko at mahal ang kanilang tuition. Ayaw ko makita na nahihirapan sila tapos ako nagpapakasarap sa buhay. Kung dadating siya, tatanggapin ko."
Habang nag kukwento ako nakatitig sa akin si Chap at tinignan sa mata. Nakikita niya ang mga lungkot at sakit sa bawat kislap ng aking mata. Gusto ko lang naman na mahalin ako at hindi lolokohin ng kahit kanino man. Ako yung taong hindi masyadong ma Ego sa relasyon, supportive sa bawat gawain at hindi nangiiwan sa oras ng pangangailangan kaso nga lang ako lang iniiwanan nila. Alam kong habang naaalala ko yung mga pangyayaring iyon, napapaiyak ako.
Napapaiyak ako sa sobrang galit na halos sarili ko pinagdududahan ko na. Hindi ko alam kung saan ako nagkulang, sa pag-aaruga, sa pagtitiwala, o sa pagiging isang responsableng kabiyak. Kinuha ni Chap ang panyo upang punasan ang mga luha ko.
"Mark, kahit anong mangyari magiging kaibigan mo ako. Iiwanan kaman ng mga susunod mong magiging kasintahan pero ako bilang kaibigan mo andito lang pag kailangan mo."
Napatingin ako sa mata niya at nakikita ko na concern siya sa nararamdaman ko. Alam kong may pagka pikunin at maangas tong si Chap pero ngayon ko lang nakita ang soft side niya. Hindi ko to nakita eversince nung nagkakilala kami. Dito na ako nagsimulang magkaroon ng tiwala sa kanya.
Lumabas kami ni Chap sa resto at gumala pa kami sa ibang parte ng Thailand. Tumungo kami sa Pattaya beach at nag-antay ng sunset. Isa din ito sa pinakamagandang atraksyon dito sa Thailand. Puti ang buhangin at maganda pagliguan ang dagat. Malinaw ang tubig at maraming mga tao ang nagtatampisaw sa dagat. Niyaya niya ako maglakad lakad sa gilid ng beach habang nag-iintay ng sunset.
Malayo layo din ang mga nilakad namin at na enjoy namin ang mga tanawin. Inakbayan niya ako at bigla akong namula. Parang may something sa mukha ko noong oras na iyon at bumilis ang t***k ng aking dibdib. Naalala ko dati noong nililigawan palang ako ni Great at naglalakad kami. It's a sign na nga ba na gusto ko na si Chap? Hindi ko ma explain ang feeling na meron kami pero masaya ako noong oras na iyon.
Palubog na rin ang araw at tinignan namin ang sunset. Habang pinapanood namin, nagwish kami pareho.
"Sabi nga nila, pag palubog daw ang araw, mag wish ka para magkatotoo."
"Sige, magwiwish ako." Tugon ko kay Chap.
Sa isip ko isa lang naman ang hinihiling ko, kung sino man ang naka destined sa palad ko, sana ibigay siya sa akin ng tapat at wala mang babalakid. Yung hindi ako lolokohin kahit kailan.
Natapos na ako sa pag wish pero siya ay tuloy parin sa pagpikit. Napaisip ako,
"Mahaba ata hiniling nito."
Lumipas ang tatlong minuto at minulat niya na ang mga mata niya. Nakita niya ang mukha kong nagliliwanag gaya ng sikat ng araw at bigla siyang natulala. Hindi siya makapagsalita at makapaniwala sa nakikita. Tinapik ko ang balikat niya.
"Uy Chap. Ayos ka lang ba?"
"Oo, nagulat lang ako."
"Nagulat saan? Sa akin? Hmm. Wala namang multo dito ah."
"Ah. Balik na tayo Mark. Baka hinahanap na rin tayo ni Ate."
"Tara, uwi na tayo."
Umuwi na kami ni Chap galing sa Pattaya Beach. Mga isang oras ang aming ibabyahe para makarating sa condominium unit niya. Gutom na rin kami at kailangan naming maghanda ng pagkain.
Dumating kami bandang alas sais kwarenta ng gabi at agad kaming nagprepare ng hapunan namin. Hindi pa nakarating si Ate May galing Korat at nagsimula kaming mag-ayos ng hapagkainan. Nagluto ako ng sinigang sa hipon at katuwang ko sa pagluluto si Chap. Unti-unti niya na rin naiintindihan ang mga basics ng pagluluto. Napangiti ako dahil desidido siyang matuto. Tinignan niya ako sa mata at napangiti rin ito. Unang beses kong nakita si Chap na ngumiti sa harap ko at parang natulala ako. Hindi ko rin ma imagine kung gaano siya ka guwapo. Tinapik ako ni Chap bigla at tinanong ako kung ano ang nangyari sa akin.
"Huy! Ba't parang nakakita ka ng multo ah."
"Wala no!"
Tumalikod ako at nahihiya sa kanya dahil noong oras na iyon ay namumula ang mukha ko. Nagsisimula na akong mag blush sa kanya sa hindi mapaliwanag na dahilan. Habang nakatalikod ako, nag smile din siya at parang nagsisimula na kaming mahulog sa isa't isa.
Natapos na rin kami sa pagluluto at hinanda na namin lahat ng pagkain sa mesa. May tumatawag sa Messenger ko at pinuntahan ko ang phone. Sinumpong ata tong si Chap at kinuha yung cellphone ko at nakipaghabulan sa akin.
"Chap.... akin na please."
"Magmakaawa ka muna Mark."
Mahilig si Chap makipag harutan at hobby niya makipaglaro sa mga kaibigan. Ganito siya pag comfortable na siya sa isang tao. Pinahabol niya ako sa buong condo unit niya hanggang sa ma corner ko siya sa coffee.
"Chap... akin na."
"Ibibigay ko to basta say the magic word please."
"Chap, akin na please."
"Ha? Hindi ko marinig."
"Akin na Chap, please."
"Hindi talaga kita marinig Mark."
"Chap naman eh, akin kana please."
Iba ang nasabi ko noong oras na iyon. Na outbalance si Chap at tumba kami pareho sa couch. Nakadikit ang dibdib ko sa dibdib niya at parehas kaming nagkatitigan. Nakikita ko sa mga mata niya masaya siya kalaro ako noong gabing iyon. May sinabi siya sa akin kasabay sa pagpisil ng aking mga pisngi.
"Ang cute mo pala sa malapitan."
Biglang tumibok ng mabilis ang dibdib ko at hindi ko namalayan na namumula na ako sa harap niya. Nakangiti pa sa akin ang loko at gustong gusto niya ang ginagawa niya sa akin. Biglang bumukas ang pinto at nadatnan kami ni Ate May na nakaganong posisyon.
"Ayyyyyyyyyy!"
Bigla akong napatayo at nahihiya ako kay Ate May dahil hindi ko sinasadya na humiga sa dibdib ni Chap.
"Hmm. Kayo na ba?" Pabiro ni Ate May.
"Hindi po ate May. Kinuha ni Chap ang cellphone ko at pinapahabol iya ako sa buong condo unit niya. Kukunin ko na ang phone ko pero na outbalance kami po pareho."
"Hmm. Oh sige."
Tinignan ako ni Ate May pero hindi siya galit. Natatawa siya sa mga pangyayari. Hindi niya lubos maisip na makikipag harutan si Chap sa akin. Umupo na kami sa mesa at nagsimula ng kumain. Favorite ni Ate May lahat ng mga luto ko at gusto niya ako lagi magluto pag gabi para matikman niya ang mga masasarap na lutong bahay. Napatanong si Ate May sa paglilipat ko ng apartment.
"Kakak, may malilipatan kana ba?"
"Wala pa po Ate May. Naghahanap parin po ako."
"Ganun ba. Sure kana bang lilipat ka?"
"Opo, nakakahiya lang din po sa inyo ni Chap dahil nakikitira lang ako dito."
"Ano kaba Kakak. Masaya nga kami na hindi boring ang bahay namin. Dito kana, samahan mo si Chap. Ngayon ko lang nakita ganyan ka comfortable si Chap sa tao. Ako na bahala sa iyo rito. Magluto kalang ng pagkain at mag linis okay na sa amin."
"Nahihiya po talaga ako pero Thank you ate May."
Nakatitig si Ate May kay Chap at nakita niya itong masaya.
"Parang blooming ka ngayon Chap ah. May something sa inyong dalawa no?"
"Wala po." Sabay naming sinabi sa harap ni Ate May. Nagkatitigan nalang kami ni Chap at biglang nagkahiyaan. Natutuwa naman si Ate May dahil parehas niya kaming nakitang namumula.
"Hay nako. Kayo talaga. Baka mabaliktad ang banga Chap ha." (meaning baka magbaliktad ang takbo ng kapalaran at magbago ang prinsipyo niya).
Patuloy parin kami sa pagkain at kumuha si Ate May ng dessert. Nagdala siya ng Cassava Cake at pinagsaluhan naming tatlo. Isa ito sa pinakamasarap na cassava cake na natikman ko. Eksakto lang ang tamis at hindi siya ganun katigas. Natapos na kami sa pagkain at pumasok narin kami sa kanya-kanyang kwarto.
Pinaandar niya ang TV sa kanyang kwarto at nanood kami ng netflix. Pinanood namin ang Girl From Nowhere dahil ito ay isa sa mga nagustuhan kong series sa TV. Nakailang episodes lang kami at natulog ako sa tabi niya. Hindi ko namalayan nakasandal ako sa dibdib niya at nakapikit ang mata. Hinaplos ni Chap ang aking ulo at pinalitan ang palabas sa isang love story. Tinitigan niya ako habang natutulog at napaisip siya bigla.
"Alam mo ba ang hiniling ko, Mark. Kung ikaw ang lalaking magbabago ng pananaw ko sa pagmamahal, hindi talaga kita iiwan."
Napaidlip si Chap sa tabi ko. Alas onse na ng gabi at dinig pa ni Ate May ang tunog ng TV ni Chap sa kabilang kwarto. Kumatok siya noong oras na iyon pero hindi si Chap sumagot. Binuksan niya ang pinto at nakita iya kami pareho na naka sandal sa isa,'t-isa.
Si Ate May nalang ang pumatay ng TV at napasmile siya sa kanyang nakita. Sinarado niya ang pinto at pinatay ang ilaw.
--------proceed to the next chapter----------