NAPATINGIN si Sassa kay Phillip nang gumalaw ito. Pinakiramdaman niya kung magigising ito. Nakaupo siya sa tabi nito sa malaking kama nito. Yakap-yakap niya ang mga binti niya at panaka-nakang pinagmamasdan ang mahimbing na anyo nito. Nasa silid pa rin sila nito. Hindi siya makatulog kahit na malalim na ang gabi. Nakatulog agad ito pagkatapos ng namagitan sa kanila. Alam niyang napagod ito nang husto sa paghahanap sa kapatid nito at mas napagod ito nang matagpuan nito ang kapatid. He had been through a lot of stress lately. Halos hindi nito kayanin ang mga iyon. Nginitian niya ito nang tuluyang imulat nito ang mga mata. He just looked at her. Hindi niya mabasa kung ano ang tumatakbo sa isip nito dahil blanko ang ekspresyon ng mukha nito. Ipinatong niya ang kanyang baba sa kanyang mga tuh

