32

1437 Words

HALOS mapugto ang hininga ni Sassa nang sikmuraan siya ni Benito. Nalugmok siya sa sahig. Hindi pa man siya nakakahuma ay nadaklot na nito ang buhok niya at marahas siyang pinatingala rito. Hindi na niya napigilan ang mapahikbi. “Akala mo, hindi ko maaalala ang lalaking `yon, ha?” nanunuyang sabi nito habang mas humihigpit ang pagkakasabunot nito sa buhok niya. “Akala mo, hindi ko alam na dati mo siyang boyfriend? Noong isang araw pa ako gigil na gigil sa `yo, alam mo ba? Nakita ka ng driver mo na nakikipaglampungan sa likod ng classroom noong nag-feeding program ka. Magpasalamat ka at naging abala ako nang gabing iyon kay Marione.” “W-wala k-kaming ginagawang m-masama,” aniya. Matagal na mula nang ipagtanggol niya ang kanyang sarili. Dati, hinahayaan lamang niya itong magsalita nang mag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD